Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree growing festival gagawin sa Pigcawayan ngayong araw

Written by: JIMMY STA. CRUZ

PIGCAWAYAN, Cotabato (May 13) – Gaganapin ngayong araw sa Mt. Akit-Akir, Barangay Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato ang Tree Growing Festival kaugnay ng pagdiriwang ng centennial ng lalawigan ng Cotabato.

Abot sa 5,000 na mga mahogany, apitong at lawaan seedlings ang itatanim sa lugar kung saan tinatayang may 1,000 partisipanteng boluntaryong magtatanim sa Mt. Akir-Akir.

Joint meeting ng PDC at PPOC ginanap sa provincial capitol

JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (June 13) – Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Provincial Development Council o PDC at Provincial Peace and Order Council Meeting o PPOC sa joint meeting na ginanap sa rooftop ng Provincial Capitol main building sa Amas, Kidapawan City noong June 12.

Pinangunahan ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mahalagang pagpupulong kung saan tinalakay ang nangungunang update sa development at peace and order sa lalawigan ng Cotabato.

Peace Forum, isinagawa sa IMEAS-USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2014) ---Isinagawa kahapon ng hapon ang Peace forum sa Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Ang Peace forum ay pinangunahan ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. kungsaan naging tagapagsalita sa nasabing aktibidad si Atty. Lanang Ali, Jr. ang Bangsamoro Basic Law Status Legal Officer at kanyang inihayag ang kalagayan nag BBL sa ngayon.

17-anyos na College Student ng CFCST sa Arakan, patay matapos malunod sa ilog

(Arakan, North Cotabato/ June 13, 2014) ---Patay na ng maisugod sa bahay pagamutan ang isang 17-anyos na college student makaraang malunod sa ilog ng Tinanan river sa bayan ng Arakan, North Cotabato alas 11:45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Mary Joy Gonzales, 2nd year student ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST at kumukuha ng kursong BS Agriculture.

Mga green multi-cab na donated ng Cotabato provincial government; red plate vehicles ng mga mayor, LGUs hindi ililibre sa highway inspection -- ayon sa Provincial Peace and Order Council

Written by: Malu Cadaleña Manar

(Kidapawan City/ June 12, 2014) ---Hindi na ililibre sa security check sa tuwing may highway inspection ang mga green multi-cab na donated ng Cotabato Provincial Government sa mga munisipyo at barangay.

Ito ang isa sa mga resolusyon na ipinasa ng Cotabato Provincial Peace and Order Council o PPOC sa kanilang miting sa capitol rooftop sa Amas complex, kahapon.

Tree Growing Festival sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, kasado na ngayong araw

(Pigcawayan, North Cotabato/ June 13, 2014) ---Isasagawa ngayong araw ang Tree Growing Festival sa Mt. Akir-akir sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, bukod sa pag-balik tanaw sa kasaysayan at kultura ng probinsya ngayong ika-100 anibersaryo nito, mahalaga rin aniya ang paglalaan ng konting sakripisyo para sa proteksyon ng kalikasan.

University of Southern Mindanao pasok sa top 10 Agriculturist licensure examination

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Pasok sa ika-anim na pwesto ang graduate ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Agriculturist Licensure Examination na inilabas ng Professional regulation Commission o PRC alas 11:00 kagabi.

Ayon sa pamunuan ng College of Agriculture-USM nakuha ni Elorde Crispolon Jr. ang ika-anim na ranggo sa kungsaan kapwa nag-tie ang dalawang estudyante mula sa Cavite state University na may 85.67%.

116th Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang pagdiriwang ng ika-116  na taong anibersaryo ng araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Municipal Plaza ng bayan ng Kabacan ngayong umaga.

Sa report ni LGU Information Officer Ka-unlad Sarah Jane Guerrero naging panauhing pandangal at tagapagsalita ditosi Dr. Leonora Manera ng University of Southern Mindanao.

BFP ARMM, pinabulaanan ang umano’y paghihingi ng lagay sa mga gustong pumasok sa bilang kasapi ng pamatay apoy

(Cotabato City/ June 12, 2014) ---Pinabulaanan ni Director Warlito Dauz ng BFP ARMM ang umanoy paghihingi ng cash na 150,000 pesos sa bawat aplikante na nag aaply sa nasabing tanggapan.

Itoy matapos ang kumakalat na text messages tungkol sa nasabing issue.

Kinumpirma naman ni Dauz na meron talagang hiring ang Bureau of Fire Protection sa buong bansa.

Kabacan Water District, tiniyak na walang pagtaas sa singil ng water bill sa kasalukuyan

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Kabacan Water District o KWD na walang naka-ambang pagtaas sa singil ng tubig sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay.

Aniya, nitong nakaraang Abril ay may nilulutong dagdag singil sana ang Kabacan Water District pero napag-usapan ng Board of Directors ng KWD na hangga’t maaari ay kakayanin muna ng Water District na hindi muna magtaas sa rate ng tubig.

Sigalot sa Sitio Nazareth, idudulog sa gagawing PPOC ngayong araw

(Kidapawan City/ June 12, 2014) ---Idudulog ni Kidaapwan City Mayor Joseph Evangelista ang nangyaring problema sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan City sa gagawing Provincial Peace and Order Council Meeting ngayong araw.

Ito ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, bagama’t nagbuo na ng crisis management committee ang city LGU mahaba-haba pa umanong usapin ang nasabing sigalot sa nasabing lugar.

Personal Grudge nakikitang anggulo sa pagbaril patay sa 25-anyos na Mister sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 11, 2014) ---Patay ang 25-anyos na mister makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng brgy. Gli-gli, Pikit, Cotabato alas 6:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan ang biktima na si Roland Rama Limos residente ng brgy. Ladtingan ng nasabing bayan.

2 tour guides mula R-12, nominado sa Tourism Star Philippines

(North Cotabato/ June 11, 2014) ---Dalawang tour guide mula sa Rehiyon - 12 ang nominado bilang Tourism Star sa Pilipinas.

Kinilala ang mga ito na sina Alexmara Juanico ng General Santos City at Marlon Ceballos ng Kidapawan City.

Tour guide si Juanico sa lalawigan ng Sarangani, South Cotabato at lungsod ng General Santos habang sakop naman ni Ceballos ang Mt. Apo Natural Park sa Makilala, Magpet, Kidapawan at Mt. Apo Peak sa bahagi ng North Cotabato.

3 sa 10 mahirap na lalawigan sa Mindanao mula sa Region 12

(North Cotabato/ June 11, 2013) ---Positibo ang pananaw ng mga opisyal na malaki ang maitulong ng ASEAN Integration sa 2015 upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na lalawigan sa Mindanao.

Ito ay isa sa mga tinalakay sa isinagawang 1st Mindanao Social Business Summit sa Bukidnoon noong June 4 hanggang 6.

Encounter: 2 BIFF rebels patay

(Maguindanao/ June 11, 2014) ---Napaslang ang dalawang miyembro ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter habang apat naman ang nasakote matapos makasagupa ang tropa ng 45th Infantry Batallion sa liblib na bahagi ng  Barangay Libutan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na si Colonel Dickson Hermoso, nagsimula ang sagupaan bandang alas-5:50 ng umaga kung saan nagpapatuloy hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

2 mga lumang istruktura sa Cotabato tampok sa Search for Centennial Edifice and Heirloom

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (June 11) – Tinatayang abot sa isang daang taon na ang mga lumang istruktura na kalahok sa Search for Centennial Edifice and Heirlooms na natatanging patimpalak kaugnay ng 100th founding anniversary ng Cotabato.

Ayon kay Joselito Parreñas ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato at focal person ng Search for Centennial Edifice and Heirlooms, ang mga ito ay ang isa sa mga gusali ng Midsayap Pilot Elementary School sa Brgy. Poblacion, Midsayap Cotabato at ang tinatawag na Balay o Home of Magpeteños na matatagpuan sa municipal hall ng Magpet, Cotabato.

33-anyos na lalaki, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/June 10, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng isang 33-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang kaalitan sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 8:10 kahapon ng umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Jonathan Sansaluna Salipada, may asawa at residente ng Brgy. Kilada ng nasabing bayan.

Chief of Police ng Mlang, ni-relieve sa pwesto

(Amas, Kidapawan City/ June 10, 2014) ---Kinumpirma ng pamunuan ng Cotabato Police Provincial Police Office na ni-relieved sa puwesto ang chief of police ng Mlang PNP na si PSI Sunny Leoncito.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Jojet Nicolas ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na noon pang Hunyo a-6 ibinaba ang order para i-relieve ang nasabing pulis opisyal.

Int’l Conference at Interreligious Dialogue sa Cotabato city matagumpay na idinaos, MAHIGIT 400 DELEGADO MULA SA ABROAD dumalo

(Cotabato city/ June 10, 2014) ---Matagumpay na natapos ang kauna unahang international conference at inter religious dialogue sa Notre Dame University sa Cotabato City noong biyernes at Sabado.

Ayon kay NDU President Fr. Eduardo Tanud-tanud, nabuo ang nabanggit na pagtitipon sa tulong ng Archdioces of Cotabato sa pangunguna ni Orlando Cardinal Quevedo,Community de San Isidio,  Mohamadia ng Indonesia, European Union, at Italian Government.

Naroon din ang presensya ng governors ng ARMM, Maguindanao, North Cotabato, top leaders ng MILF gayundin sa panig ng pamahalaan.

Panukalang maya't-mayang pag inom ng tubig ng mga mag-aaral sa Mlang ipinanukala ng lokal na opisyal

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ June 10, 2014) ---Ipinanukala nang isang lokal na opisyal sa bayan ng Mlang ang maya’t-mayang pagpapainom ng tubig sa lahat ng mga mag-aaral habang nasa loob sila nang paaralan sa buong araw.

Ayon kay Municipal councilor Gerardo Pinol ang chairman ng komite ng agrikultura dapat na uminon ng isang baso ng tubig ang mga mag aaral pagkatapos ng kanilang bawat subject.

Mahigit 600 Board ft. ng mga illegal cut logs, na-i-turn over na ng MENRO sa isang benepisyaryong paaralan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2014) ---Abot sa 635 na board ft. ng mga illegal cut logs ang pormal ng na-i-turn over ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa isang benepisyaryong paaralan kahapon.

Ito ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ang nasabing mga kahoy ay ibinigay ng MENRO sa Malamote National High School upang gawing upuan, mesa at iba pang mga gamit pampaaralan.

Advocacy on Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, isinagawa sa bayan ng Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Bagama’t malamig pa sa ngayon ang ilang mga mambabatas partikular na ang kongreso hinggil sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law, umaasa naman ang ilang mga residente ng bayan ng Pikit na mapabilis ito bago ang Presidential at National elections sa 2016.

Malaki ang paniniwala ni Pikit Mayor Muhyryn Sultan Casi na matutultukan ng nasabing Batas ang matagal ng kaguluhan sa Mindanao sakaling maipasa na ang BBL.

31-anyos na lalaki, huli sa pagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Kalaboso ang isang 31-anyos na tulak droga makaraang mahuli sa inilatag na buybust operation ng Kabacan PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Purok Pagkakaisa, Aringay,Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Amoranto Aquino Jr., may asawa at residente ng nasabing lugar.

“Kasalan ng Bayan” isa sa mga gagawing highlight ng Kapagayan fiesta

(Kabacan, Cotabato/ June 9, 2014) ---Magandang balita sa mga matagal ng nagsasama diyan na hindi pa kasal at sa mga magkasintahan na gustong maglagay sa tahimik.

Ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., katuwang ang Local Civil Registrar ay magsasagawa ng “Kasalan ng Bayan”.

Mga nagkakasakit ng Diarrhea sa Kabacan, umakyat na sa 8

(Kabacan, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Sumampa na ngayon sa walo ang mga nagkakasakit ng Diarrhea mula sa Purok Mesalay, Bry. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Ito ang ipinaabot ni MILF Medical Troops Dadtong Inedal ng brgy. Pisan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Dinukot na pinay sa Malaysia,naka-uwi na sa kanilang bahay sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Nakalaya na mula sa kamay ng kanyang mga abductors ang pinay na dinukot sa Semporna, Malaysia at pinalaya ng Abu Sayyaf group (ASG) sa Jolo, Sulu kungsaan dumating ang biktima sa kanyang tahanan alas 7:00 kagabi sa Midsayap, North cotabato.

Kinilala ang biktima na si Marcelita Dayawan-Tamalla, 40, at residente ng Brgy Agriculture, Midsayap, North Cotabato.

Joint Ceasefire Monitoring Post, isasagawa ngayong araw re: Nazareth War

(Kidapawan city/ June 9, 2014) ---Tatlo ang nasawi habang dalawang mga pulis ang nasugatan sa nangyaring engkwentro ng dalawang pangkat ng armadong grupo sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan city nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Supt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police ang mga nasawi na sina  Aurelio Calugmatan, 36 anyos at Ramboy Balimba, 17-anyos kapwa residente ng Sitio Nazareth habang napaslang naman ang kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team na si Bonie Vicente sa kasagsagan ng sagupaan.

Settlers War: 3 patay, 2 pulis sugatan

(Amas, Kidapawan city/ June 8, 2014)  ---Tatlo ang nasawi habang dalawang mga pulis ang nasugatan sa nangyaring engkwentro ng dalawang pangkat ng armadong grupo sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan city kahapon.

Kinilala ni Police Senior Supt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police ang mga nasawi na sina  Aurelio Calugmatan, 36 anyos at Ramboy Balimba, 17-anyos kapwa residente ng Sitio Nazareth habang napaslang naman ang PBAT member na si Bonie Vicente sa kasagsagan ng sagupaan.