(Pigcawayan, North Cotabato/ June 13, 2014)
---Isasagawa ngayong araw ang Tree Growing Festival sa Mt. Akir-akir sa bayan
ng Pigcawayan, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala”
Taliño Mendoza, bukod sa pag-balik tanaw sa kasaysayan at kultura ng probinsya
ngayong ika-100 anibersaryo nito, mahalaga rin aniya ang paglalaan ng konting
sakripisyo para sa proteksyon ng kalikasan.
Layon ng Tree Growing Festival na ito na mapreserba
at mapangalagaan ang kalikasan.
Sinabi naman sa DXVL News ni PSI Jojet
Nicolas ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na makiisa din
ang CPPO at ang Pigcawayan PNP sa nasabing aktibidad maliban pa sa pagtitiyak
sa seguridad sa gagawing Tree Growing Festival.
Samantala ilan sa mga uri ng punongkahoy na
itatanim ay ang Narra, Apitong at Tinikaran na manggagaling sa Office of the
Provincial Agriculturist (OPAg).
Bukod sa pagtataniman sa Mt. Akir-akir sa
Pigcawayan ngayong araw gagawin din ang kahalintulad na aktibidad sa Lake
Malingling sa Arakan sa Hunyo 20, at sa Pisan Caves dito sa bayan ng Kabacan sa
Hunyo 27.
Ang tree planting activity ay bahagi ng
centennial celebration ng probinsya.
Hinihikayat naman ni Mendoza ang mga lokal
na lider na himukin ang kanilang mga mamamayan na makiisa sa naturang
aktibidad.
Tema ng tree growing activity ay,
“Pagbubuklod ngayong Sentenaryo: Magtanim…Puno ay Buhay…Pagyamanin”. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento