(Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2014) ---Abot
sa 635 na board ft. ng mga illegal cut logs ang pormal ng na-i-turn over ng
Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa isang
benepisyaryong paaralan kahapon.
Ito ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan sa
panayam sa kanya ng DXVL News.
Ang nasabing mga kahoy ay ibinigay ng MENRO
sa Malamote National High School upang gawing upuan, mesa at iba pang mga gamit
pampaaralan.
Ang mga illegal logs ay nakumpiska ng mga
otoridad sa kanilang kampanya kontra illegal logging partikular na sa brgy.
Pisan.
Kaugnay nito, hinikaya’t naman ng ni Laoagan
ang mga brgy opisyal ng brgy. Pisan na bantayan ang nasabing watershed area na
sinasabing protected area upang masawata ang illegal logging sa lugar.
Dahil dito, isasagawa naman ang Tree Growing
Festival sa nasabing Brgy. sa Kulaman Water shed area na pangungunahan ng
Provincial government sa Hunyo a-27 na bahagi ng Centennial anniversary program
ng Pamahalaang Probinsiya sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino
Mendoza. Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento