(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2014)
---Isinagawa kahapon ng hapon ang Peace forum sa Institute of Middle East and
Asian Studies o IMEAS ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.
Ang Peace forum ay pinangunahan ng Muslim
Youth Religious Organization, Inc. kungsaan naging tagapagsalita sa nasabing
aktibidad si Atty. Lanang Ali, Jr. ang Bangsamoro Basic Law Status Legal
Officer at kanyang inihayag ang kalagayan nag BBL sa ngayon.
Bukod dito, inihayag naman ni MILF Spokesman
Von Alhaq ang Normalization Aspect of the Bangsamoro government.
Ang normalization annex ang itinuturing na
pinakamasalimuot dahil nakapaloob dito ang disarmament ng MILF forces.
Ang aktibidad ay bahagi lamang ng adbokasiya
ng IMEAS upang maipaintindi sa mga mag-aaral ng USM kung anu ang nilalaman ng
Bangsamoro Basic Law.
Ang programa ay dinaluhan ng mga guro at
mag-aaral ng IMEAS.
Suportado naman ni USM Pres. Dr. Francisco
Garcia ang nasabing aktibidad, kungsaan dinaluhan din ito ni USM vice Pres. For
Research and Generation Dr. Alimen Sencil, Dean IMEAS Prof. Badrodin Abdulkadir
at marami pang iba. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento