(Kabacan, Cotabato/ June 9, 2014) ---Magandang
balita sa mga matagal ng nagsasama diyan na hindi pa kasal at sa mga
magkasintahan na gustong maglagay sa tahimik.
Ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pamumuno
ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., katuwang ang Local Civil Registrar ay
magsasagawa ng “Kasalan ng Bayan”.
Ayon kay Civil Registrar Officer Gandy
Mamaluba na ang nasabing programa ay handog ni Mayor Guzman upang mabigyan ng
pagkakataon na mababasbasan ang mga mag-partner sa pamamagitan ng civil wedding
na gagawin sa August 18.
Libre ang pag-file ng mga papeles at
mabibigyan pang regalo ang mga ikakasal mula sa Pamahalaang Lokal ng Kabacan.
Para sa mga gustong magpatala narito ang
dapat dalhin sa Office of the Municipal civil registrar: 1 Birth Certificate,
Cedula, Certificate of No Marriage (national statistic Office), Parent Consent
para sa 18- 24 yrs old at Affidavit of Cohabitation para sa mga live in
partners.
Hanggang sa July 18 na lamang ang huling
application. Rhoderick Beñez with report
from Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento