Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panukalang maya't-mayang pag inom ng tubig ng mga mag-aaral sa Mlang ipinanukala ng lokal na opisyal

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ June 10, 2014) ---Ipinanukala nang isang lokal na opisyal sa bayan ng Mlang ang maya’t-mayang pagpapainom ng tubig sa lahat ng mga mag-aaral habang nasa loob sila nang paaralan sa buong araw.

Ayon kay Municipal councilor Gerardo Pinol ang chairman ng komite ng agrikultura dapat na uminon ng isang baso ng tubig ang mga mag aaral pagkatapos ng kanilang bawat subject.

Sa pamamagitan anya ng kanyang panukala ay maaabot ng bawat mag aaral ang daily required na walong baso ng tubig na kailangang inumin sa loob ng maghapon, ito ayon sa report ni Mlang Information Officer Williamore Magbanua.

Dagdag pa ni councilor Pinol na kaya niya naisip na magpasa sa konseho ng ganitong panukala, kasunod nang pagtaas ng renal problem sa bayan ng Mlang.

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga guro sa panukala ni Pinol. Maging ang mga magulang ay suportado din ang naturang hakbang.

Malaking tulong daw ang panukala sa kanilang mga anak upang ugaliin nila ang pag inom ng tubig at  maging aktibo sa kanilang pag aaral.

Ang pag inom ng tubig ng mga mag-aaral ay maaring gawin, bago o kaya ay pagkatapos ng kanilang asignatura.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento