Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 tour guides mula R-12, nominado sa Tourism Star Philippines

(North Cotabato/ June 11, 2014) ---Dalawang tour guide mula sa Rehiyon - 12 ang nominado bilang Tourism Star sa Pilipinas.

Kinilala ang mga ito na sina Alexmara Juanico ng General Santos City at Marlon Ceballos ng Kidapawan City.

Tour guide si Juanico sa lalawigan ng Sarangani, South Cotabato at lungsod ng General Santos habang sakop naman ni Ceballos ang Mt. Apo Natural Park sa Makilala, Magpet, Kidapawan at Mt. Apo Peak sa bahagi ng North Cotabato.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) 12 Regional Director Nelly Dillera, isang programa ng DOT ang Tourism Star Philippines na kumukilala sa mga tourism frontliners na nagbibigay ng magagandang karanasan sa mga turista at nagpapakita ng tunay na Filipino hospitality, honesty, professionalism at promptness.

Sinabi pa ni Dillera na mahalagang mahikayat ang mga nagtatrabaho sa tourism industry na itaas ang kalidad ng serbisyo upang maging competitive ang isang lugar.

Hinihikayat din ng opisyal ang mga turista na makibahagi sa pagkilala ng nasabing mga tourism stars.

Sa ilalim ng Tourism Star Philippines, maaring i-nominate ang mga tour operator, tourist transport drivers, kawani ng accomodation facilities, mga tourism entrepreneurs, government employees, mga pulis, alkalde at gobernador.


Hanggang katapusan ng Hunyo ang nominasyon para sa nasabing pagkilala.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento