(Kabacan, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Kalaboso
ang isang 31-anyos na tulak droga makaraang mahuli sa inilatag na buybust
operation ng Kabacan PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa
Purok Pagkakaisa, Aringay,Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.
Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Amoranto Aquino Jr., may asawa at
residente ng nasabing lugar.
Narekober mula sa kanyang posisyon ang P200
piso bill bilang marked money kasama ang isang piraso ng plastic heat sealed
sachet na naglalaman ng shanu.
Nakatak da namang sampanhan ngayong araw ng
karampatang kaso ang suspek na ngayon ay nasa Kabacan PNP Lock up cell. Rhoderick Beñez with report form Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento