Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga green multi-cab na donated ng Cotabato provincial government; red plate vehicles ng mga mayor, LGUs hindi ililibre sa highway inspection -- ayon sa Provincial Peace and Order Council

Written by: Malu CadaleƱa Manar

(Kidapawan City/ June 12, 2014) ---Hindi na ililibre sa security check sa tuwing may highway inspection ang mga green multi-cab na donated ng Cotabato Provincial Government sa mga munisipyo at barangay.

Ito ang isa sa mga resolusyon na ipinasa ng Cotabato Provincial Peace and Order Council o PPOC sa kanilang miting sa capitol rooftop sa Amas complex, kahapon.

Nabatid na ilan sa mga green multi-cab ng provincial government ay ginagamit sa drug trade at iba pang illegal na Gawain.

Katunayan, ilan na ring mga opisyal ng barangay sa bayan ng Midsayap ang kinasuhan matapos mapatunayan na ginamit ang sasakyan sa paghahatid ng shabu, ayon mismo kay Cotabato Governor Lala Mendoza.

Iniulat rin ni Col. Nilo Vinluan, ang commander ng 57th IB, ang paggamit ng green multi-cab para ihatid sa kanyang huling hantungan ang rebelde’ng si Ronald Arnado o Commander Revo sa Barangay Sto. Nino sa bayan ng Arakan.

Ayon kay Mendoza, may inatasan na siya’ng tao para magsagawa ng imbestigasyon sa kaso’ng ito.
Mariing sinabi ni Mendoza na bawal gamitin sa anumang illegal na Gawain ang mga red plate multi-cab.

At hindi lamang mga green multi-cab na may red plate ang isasailalim sa matinding security check.
Maging ang mga red plate vehicles na inisyu sa mga mayor sa mga bayan ng North Cotabato at sa mga local government units ay hindi rin malilibre sa highway inspection.

Mismong si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang nagpanukala nito na sinang-ayunan naman ng PPOC.

  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento