Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Settlers War: 3 patay, 2 pulis sugatan

(Amas, Kidapawan city/ June 8, 2014)  ---Tatlo ang nasawi habang dalawang mga pulis ang nasugatan sa nangyaring engkwentro ng dalawang pangkat ng armadong grupo sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan city kahapon.

Kinilala ni Police Senior Supt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police ang mga nasawi na sina  Aurelio Calugmatan, 36 anyos at Ramboy Balimba, 17-anyos kapwa residente ng Sitio Nazareth habang napaslang naman ang PBAT member na si Bonie Vicente sa kasagsagan ng sagupaan.

Samantala, sugatan ang mga rumesponding mga pulis na sina PInsp. Randy Apostol at SPO1 Edwin Maguate.

Sa impormasyong ipinarating ni PSI Jojet Nicloas, CPPO Spokesperson na inatake umano ng mahigit sa 100 mga armadong grupo buhat sa brgy. Patadon ang mga settlers ng Sitio Nazareth dahilan kung bakit nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig.

Nang mamagitan ang mga pulis sa nasabing engkwentro ay pinaputukan ang mga ito ng pangkat ng armadong grupo na galing sa Patadon dahilan ng pagkamatay ng BPAT at pagkasugat ng dalawang mga pulis.

Sa tulong ni MILF Local Monitoring Team Jabib Guiabar ay napahupa ang nasabing putukan at pinag-usapan ang gusot ng dalawang pangkat na naglalaban.

Agad namang binuo ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala”TaliñoMendoza ang crisis committee na tutugon sa nasabing girian.


Away lupa ang sinasabing ugat ng labanan ng dalawang grupo na lupang pag-mamay-ari ng gobyerno na matagalng inaangkin din ng dalawang grupo, ito ang Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center (CEMIARC) ng Department of Agriculture. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento