Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga nagkakasakit ng Diarrhea sa Kabacan, umakyat na sa 8

(Kabacan, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Sumampa na ngayon sa walo ang mga nagkakasakit ng Diarrhea mula sa Purok Mesalay, Bry. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Ito ang ipinaabot ni MILF Medical Troops Dadtong Inedal ng brgy. Pisan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, anim ang kasalukuyang nasa USM Hospital at Polymedic Hospital kungsaan apat dito ang mga bata habang ang dalawa naman ay nakarekober na.

Ayon kay Disease Surviellance coordinator Honey Joy Cabellon, sa nasabing numero, tatlo ang nagpositibo sa amoeba matapos ang ginawang pagsusuri ng Rural Health Unit (RHU) ng Kabacan sa apat na mga biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Maludtem Palulod, 23; Daniel Palolod at Eboy Lalapadsin, kapwa dalawang taong gulang at Balansagan Sandigan, 17-anyos; at anim na buwang sanggol na hindi kinilala sa report.

Ang mga biktima ay mga residente ng Purok Mesalay, brgy. Pisan sa nabanggit na bayan.

Sinabi ni Cabellon na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang mga biktima bago isinugod sa ospital.

Posibleng nakainom diumano ng maruming tubig mula sa poso ang mga biktima na naging dahilan ng pagsakit ng kanilang mga tiyan.


Magsasagawa naman ng  pagsusuri ang Sanitary Inspector ng RHU Kabacan sa nasabing lugar upang siyasatin ang source o pinagkukunan nila ng inuming tubig. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento