Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay natagpuan sa isang oil palm plantation sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 29, 2012) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang pribadong plantasyon ng oil palm sa brgy Dagupan, Kabacan, cotabato alas 10:00 ngayong umaga lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP,  ang nasabing bangkay ay nasa 5’5 ang taas, edad 40-45 taong gulang.

Kaltas sa bonus para ipambayad sa medical insurance inirereklamo nang ilang mga empleyado ng Kidapawan City LGU


(Kidapawan City/December 27, 2012) ---Hindi sang-ayon ang ilang mga empleyado nang Kidapawan City LGU sa mandatory deduction nang halagang P 3000 mula sa kanilang year-end bonus bilang pambayad sa medical insurance.
          
Ayon sa reklamo nang mga empleyado, hindi na umano tinatanggap nang mga hospital sa Kidapawan City ang binayaran nilang Medicard sa di nabanggit na kadahilanan.
          

Cotabato Police Provincial Director; Ni-relieve sa kanyang pwesto


(Amas, Kidapawan City/ December 27, 2012) ---Ni-relieve na sa kanyang pwesto bilang Police Provincial Director ng North Cotabato PNP si Senior Supt. Roque Alcantara, matapos na makatanggap ng tawag nitong Miyerkules mula sa tanggapan ng office of the Police Regional Director ng Central Mindanao na nakabase sa Generala Santos City.

Ang opisyal ay nagsilbi sa probinsya ng apat na buwan at papalitan siya ni Sr. Supt. Danny Peralta, ang dating Provincial Police Director ng Sultan Kudarat.

Nirereklamong kanal sa isang Subdivision sa Kabacan; aaksyunan na raw


(Kabacan, North Cotabato/December 27, 2012)---Iginiit ng LGU Kabacan na hindi sila ang nagpatanggal ng culvert sa bahagi ng Mercado St., papasok ng Villanueva Subdivision, Poblacion, Kabacan na pinabayaan lamang.

Ang nasabing pagsasaayos ay inamin ng Brgy. Poblacion.

Framework Agreement on the Bangsa Moro hindi raw tugon sa problema nang Mindanao - ayon kay Cotabato City Vice Mayor at MNLF Central Committee Chair Muslimin Sema


Kung si Cotabato City Vice Mayor at Moro National Liberation Front o MNLF Central Committee Chair Muslimin Sema ang tatanungin, hindi solusyon ang nilagdaang Framework Agreement of the Bangsamoro sa matagal nang problema sa kapayapaan sa Mindanao.
           
Ito ang ipinahayag ni Sema sa ginanap na Bangsa Moro Peace Forum sa barangay Kilada, Matalam, North Cotabato noong Sabado.
           

Lalaki natagpuang patay sa loob ng comfort room nang isang hotel sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ December 26, 2012) ---Patay na ng matagpuan ngmga staff ng hotel ang isang lalaking nakabitin sa loob ng comfort room ng Grand shine Hotel sa Jose Dans Street, Kidapawan city, isang araw bago ang pasko.

Ayon sa report hinihinalang nagpakamatay ang biktimang si Oscar Torralba, nasa hustong taong gulang at umano’y residente nang Cotabato City.

Negosyante, biktima ng robbery hold-up sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo na pagmamay ari ng isang 34-anyos na negosyante sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan kungsaan naganap ang insedente malapit sa Mediatrix establishment alas 3:50 ng hapon nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Edgar Mendoza Enlope, 34-anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Osias ng nabanggit na lugar.

Pagdiriwang ng pasko sa probinsiya ng North Cotabato; naging matiwasay at tahimik sa kabuuan


(Amas, Kidapawan City/ December 26, 2012) ---Pinasalamatan ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Roque Alcantara ang mamamayan ng Cotabato sa kooperasyon at pakikiisa sa pagdiriwang ng pasko.

Ito matapos na naging tahimik at matiwasay sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa probinsiya.
Aniya, wala naman umanong mga malalaking krimen ang naitala sa mga himpilan ng pulisya sa iba’t-ibang mga munisipyo ng Cotabato.

Akyat bahay gang, arestado sa araw ng pasko

(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Nasakote ng may ari ng bahay ang dalawang mga magnanakaw kasama ang isang menor de edad noong gabi ng bisperas ng pasko sa Valdez Compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Bernaluz Lucban, 19, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar ang naaktuhang sinisira ang main door ng tindahan na pagmamay-ari ng pamilya Valdez.

Pagsalubong ng Pasko sa Kabacan, naging matahimik sa kabuuan


(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Generally Peaceful sa kabuuan ang pagsalubong ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon sa report ng Kabacan PNP ngayong umaga.

Sa panayam kay P03 Bobby Salcedo, Desk Officer ng Kabacan PNP inihayag nito na naging matahimik at maayos sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa bayan at walang mga malalaking krimen ang naitala sa kanilang blotter log book.

Mga kawani ng Provincial government; isasailalim sa Random Drug test bukas, matapos masangkot sa illegal drugs ang isang empleyado


(Amas, Kidapawan City/ December 26, 2012) ---Determinado ngayon si cotabatao Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na dapat ay parusahan ang sinuman partikular na ang mga kawani ng Provincial government na sangkot sa pagtutulak at pagagamit ng illegal na droga.

Ginawa ni Mendoza ang pahayag matapos na maaresto ang isang empleyado ng Cotabato Provincial Engineering dahil sa illegal na droga.

Pagdiriwang ng pasko sa probinsiya ng North Cotabato; naging matiwasay at tahimik sa kabuuan


(Kabacan, North Cotabato/ December 25, 2012) ---Pinasalamatan ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Roque Alcantara ang mamamayan ng Cotabato sa kooperasyon at pakikiisa sa pagdiriwang ng pasko.

Ito matapos na naging tahimik at matiwasay sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa probinsiya.
Aniya, wala naman umanong mga malalaking krimen ang naitala sa mga himpilan ng pulisya sa iba’t-ibang mga munisipyo ng Cotabato.

Fruit Vendor, nasa malubhang kalagayan matapos na mabangga sa Kidapawan City


(Kidaapwan City/ December 25, 2012) ---Sa halip na magsama-sama sana kagabi sa isang masayang noche Buena, sa ospital na ipinagdiriwang ng 42-anyos na negosyante ang kanya ang kanilang kapaskuhan.

Ito makaraang mabangga ng isang rumaragasang itim na sasakyan ang minamaneho nitong motorsiklo sa National Highway ng Kidapawan sity kagabi.

Negosyante, biktima ng robbery hold-up sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo na pagmamay ari ng isang 34-anyos na negosyante sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan kungsaan naganap ang insedente malapit sa Mediatrix establishment alas 3:50 ng hapon nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Edgar Mendoza Enlope, 34-anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Osias ng nabanggit na lugar.

Walang power interruption sa pagdiriwang ng pasko -cotelco


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Tiniyak ngayon ng Cotabato Electric Cooperative o cotelco na walng mangyayaring brown out sa buong pagdiriwang ng pasko mamayang ito.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio kungsaan, tiniyak ng kanilang pamunaun na hindi rin sila magpapatupad ng load curtailment sa smila sa mga oras na ito hanggang sa pagsapit ng pasko mamaya.

Holiday rush, mapapansin sa mga superstore sa Kabacan; seguridad tiniyak


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Ilang oras bago ang nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan, mapapansin pa rin na abalang-abala ang ilan para lang humabol at mamili para sa kanilang noche Buena.

Karamihan sa mga superstore ngayon dito sa Kabacan ay punong puno ng mga tao.

Napansin din ng DXVL News team kanina na marami rin ang tao sa mga palengke at sa ilang mga malalaking establisiemento kagaya ng NOVO, Sugni, Superama at maging sa ilang mga kainan.

Mga nanalo sa liwanag sa Kabacan Contest


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Nakuha ng St. Lukes Institute ang 1st place sa Parol at Belen category sa katatapos na “Liwanag sa Kabacan contest” bilang bahagi ng pagdiriwang ng pasko sa bayan ng Kabacan.

Ang anunsiyo ay opisyal na inilabas ng LGU Kabacan, ito ayon aky Information Officer Ragilda “Dadang” Martin.

Empleyado ng Provincial Capitol ng North cotabato; huli sa buy bust raid sa Kidapawan city


(Kidapawan City/ December 24, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang kawani ng Cotabato Provincial government makaraang mahuli sa isang buy bust raid sa Kidapawan City alas 7:30 ng umga nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Bandro Teparan Olimpain, 41, empleyado ng Cotabato Provincial Engineering Office  ng Provincial Capitol at residente of Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato.

Kabacan PNP, naka-full alert na ngayong araw sa bisperas ng pasko


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Inilagay na sa full alert status ng Kabacan PNP ang kanilang himpilan ngayong bisperas ng pasko at bago ang pagsalubong ng bagong taon.

Ito ang sinabi kahapon sa DXVL Radyo ng bayan ni PC/Inps. Jubernadine Panes, ang Deputy Chief of Police ng Kabacan PNP ilang oras bago ang pasko mamaya.

23-anyos na Babae; biktima ng “Budol-budol gang” sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Natangay mula sa isang 23-anyos na ginang ang kanyang kwintas na nagkakahalaga ng Siyam na Libung Piso (P9,000.00) makaraang mabiktima na budol-budol gang alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Tata Kosim Tode, 23-taong gulang, may asawa at residente ng Batongkayo, Datu Montawal, Maguindanao.

Carenderia sa Kabacan, nilooban; libung halaga ng gamit natangay


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Abot sa P17,100.00 ang kabuuang halaga ng mga gamit at cash ang natangay sa isang carenderia matapos na nilooban ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw sa di ma batid na oras kahapon.

Batay sa report ng Kabacan PNP, pwersahang pinasok umano ng mga kawatan ang isang carenderia na nasa Jacinto St., na nasa Poblacion, Kabacan at tinangay ang iba’t-ibang mga gamit kasama na ang cash, ito ayon sa nagsumbong sa himpilan ng pulisya na si Bryan Lucmayon, 26-anyos, binata at residente ng nabanggit na lugar.

32-anyos na magsasaka, patay habang isa pa sugatan sa riding in tandem sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ December 23, 2012) ---Patay ang isang 32-anyos na magsasaka habang sugatan ang isa pang by stander makaraang mangyari ang shooting incident sa Labastida St., sa Kidapawan City ala 1:30 ng hapon kanina.

Kinilala ni Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jezrel Reforma Gorieza ng Barangay Marbel habang kinilala ang sugatan na si Josephine Caganda Tan, 52, ng Lumugdang Subdivision, kapwa mula sa nasabing lungsod.