(Kidapawan City/
December 24, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang kawani ng Cotabato
Provincial government makaraang mahuli sa isang buy bust raid sa Kidapawan City
alas 7:30 ng umga nitong Sabado.
Kinilala ni Supt.
Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Bandro Teparan
Olimpain, 41, empleyado ng Cotabato Provincial Engineering Office ng Provincial Capitol at residente of Sitio
Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato.
Sinabi ni Cabico na
narekober mula sa suspek ang dalawang sachet ng methamphetamine hydrochloride, o
mas kilala sa tawag na ‘shabu’, na sinasabing ipinagbabawal na droga,
marked money; at motorsiklo.
Si Olimpain ay naaresto
sa isinagawang buy bust raid sa hideout nito na nasa Barangay Amas, Kidapawan city.
Ito na ang
ika-tatlumpu’t tatlong tulak droga na nahuli ng mga otoridad simula buwan ng
Nobyembre.
Sa ngayon inihahanda na ng Kidapawan City PNP ang kasong
kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs
Act of 2002. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento