(Amas, Kidapawan City/ December 26, 2012)
---Pinasalamatan ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Roque
Alcantara ang mamamayan ng Cotabato sa kooperasyon at pakikiisa sa pagdiriwang
ng pasko.
Ito matapos na naging tahimik at matiwasay
sa kabuuan ang pagdiriwang ng pasko sa probinsiya.
Aniya, wala naman umanong mga malalaking
krimen ang naitala sa mga himpilan ng pulisya sa iba’t-ibang mga munisipyo ng
Cotabato.
Una na ring tiniyak ng kanilang pamunuan na
naka full alert status sila simula ng mag umpisa ang simbang gabi.
Dagdag pa nito, na todo bantay ang kanyang
tauhan sa mga matataong lugar lalo na sa terminal ng bus, simbahan at ilang mga
superstore.
Nagpaabot din ng pagbati ang opisyal ng
maligayang pasko sa lahat sa pamamagitan ng himpilang ito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento