(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012)
---Ilang oras bago ang nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan, mapapansin pa
rin na abalang-abala ang ilan para lang humabol at mamili para sa kanilang
noche Buena.
Karamihan sa mga superstore ngayon dito sa
Kabacan ay punong puno ng mga tao.
Napansin din ng DXVL News team kanina na
marami rin ang tao sa mga palengke at sa ilang mga malalaking establisiemento
kagaya ng NOVO, Sugni, Superama at maging sa ilang mga kainan.
Kaugnay nito, todo alerto pa rin ang Kabacan
PNP sa pagbabantay sa seguridad ng publiko sa pagdiriwang ng pasko mamaya.
Sinabi naman sa DXVL ni Kabacan Police
Community Officer P02 Alrec dela Cruz na pinaalalahanan nito ang publiko sa
paggamit ng mga pyrotechnics at mga firecrackers na iwasan ang pagbili at
pagpaputok ng mga ipinagbabawal na firecrackers.
Una na ring sinilyuhan ang mga baril ng
lahat ng mga nasa hanay ng pulisya at militar para maiwasan ang pagpaputok
ngayong yuletide season.
Samantala sa panyam naman ng DXVL News kay
Kabacan Central Senior Fire Marshall Ibrahim guiamalon, nakatutok ngayon ang
kanilang pamunuan sa safety plan kung anu ang dapat gagawin ng publiko sa
pnahon ng sakun.
Aminado ang opisyal na sa tuwing sasapit ang
pagdiriwang ng pasko at bagong taon ay di maialis sa kaugalian ng mga Pilipino
ang pagpaputok.
Kaya, inilunsad nila ngayon ang PRO safe sa
kanilang hanay.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento