Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Carenderia sa Kabacan, nilooban; libung halaga ng gamit natangay


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Abot sa P17,100.00 ang kabuuang halaga ng mga gamit at cash ang natangay sa isang carenderia matapos na nilooban ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw sa di ma batid na oras kahapon.

Batay sa report ng Kabacan PNP, pwersahang pinasok umano ng mga kawatan ang isang carenderia na nasa Jacinto St., na nasa Poblacion, Kabacan at tinangay ang iba’t-ibang mga gamit kasama na ang cash, ito ayon sa nagsumbong sa himpilan ng pulisya na si Bryan Lucmayon, 26-anyos, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Kabilang sa mga natangay ng mga suspek ang isang oven toaster na nagkakahalaga ng P1,500.00; isang unit ng microwave oven na nagkakahalaga ng P4,800.00; isang unit ng Dispenser P8,000.00; dalawang mga cooking pots na abot sa P2,000.00, assorted goods na nagkakahalaga ng P300 at ang kanilang piggybank na naglalaman ng halagang P500.00.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya posibleng umanong madaling araw kahapon ng pasukin ngmga magnanakaw ang nasabing kainan.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ngmga otoridad sa nasabing insedente, ayon kay P02 Jose Marie Dusaban, ang investigator in charge ng nasabing kaso. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento