Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nirereklamong kanal sa isang Subdivision sa Kabacan; aaksyunan na raw


(Kabacan, North Cotabato/December 27, 2012)---Iginiit ng LGU Kabacan na hindi sila ang nagpatanggal ng culvert sa bahagi ng Mercado St., papasok ng Villanueva Subdivision, Poblacion, Kabacan na pinabayaan lamang.

Ang nasabing pagsasaayos ay inamin ng Brgy. Poblacion.

Pero ang hindi nagustuhan ng mga residente ay di agad ito inasikaso.

Ayon kay Poblacion Kapitan Herlo Guzman, Jr. naantala ang pagsasaayos ng kanal dahil sa nagsara na ang bubget para sa taong ito at naabutan ng holiday season, pero tiniyak naman ng kanyang pamunuan na una nitong bibigyan ng pansin ang nasabing reklamo sa unang buwan sa susunod na taon.

Maliban sa butas na culvert, nirereklamo pa nila ang sira-sirang kalsada sa nasabing Subdivision bukod pa sa ilang mga poste na walang ilaw.

Sinabi naman ni Guzman na agad nitong aaksyunan sa lalaong medaling panahon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento