Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Electrical Fault, posibleng dahilan ng sunog sa isang residential House sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Abot sa mahigit sa kalahating milyon ang halaga ng natupok na ari-arian sa isang residential house na nasa Liliongan, Carmen, North Cotabato kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection ang nasabing bahay ay pag-mamay-ari ni Adolfo Palo Ansibod.

Paggamit ng mga Child Warriors ng BIFF, kinondena ng AFP

Kinondena ngayon ng Philippine Army ang umano'y paggamit ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng mga batang mandirigma sa kanilang pakikipaglaban sa mga sundalo kung saan ilan sa mga patay na katawan ng mga itinuturing na child warriors ay narekober ng militar.

Sa panayam ng DXVL News kay 6th ID spokesperson Col. Dickson Hermoso na narekober na cadavers ng mga bata na may edad 17-anyos pababa.

Wanted sa batas, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Kabacan/ January 30, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek hinggil sa paglabag sa illegal possession of bladed weapon sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan ang suspek na si Tinte Mokalam Masukat, nasa tamang edad at residente ng Purok Krislam ng bayang ito.

Trailer at Truck nagkabanggan sa Highway ng Kabacan; 1 sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Sugatan ang drayber ng Isuzu Truck makaraang aksidenteng mabangga ng trailer sa may bahagi ng National Highway partikular sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan alas 4:00 kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP traffic division ang biktima na si Wendil Barrientos Marato, 22 anyos residente ng Cagayan de Oro city.

Suspek sa pagnanakaw ng alahas sa Kabacan, North Cotabato; arestado

(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng 30-anyos na magnanakaw makaraang mahuling tumangay ng mga alahas sa Sugni Superstore, Kabacan, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Mark Gay Avens nasa tamang edad residente ng Brgy Kilada, Matalam, Cotabato.

5 priority Programs ni Mayor Guzman, tinalakay sa Municipal Development Council meeting

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Binalangkas ang limang mga pangunahing programa ng Pamahalaang lokal ng Kabacan sa isinagawang Municipal Development Council meeting kahapon.

Ayon kay information officer Sarah Jane Guerrero ang temang “Unlad Kabacan” bilang development direction ng bayan ay naisalang sa mainit na diskusyon ng mga Barangay Captains at iba pang miyembro ng nasabing konseho.

“Unlad Kabacan” slogan, ilalarga na

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Kung maipasa na bilang batas, gagamitin na bilang opisyal na pagbati ng mga taga-Kabacan ang katagang “Unlad Kabacan”.

Ayon kay Information Officer Sarah Jane Guerrero ang nasabing tema ay binuo matapos ang isinagawang Municipal Development Council meeting kahapon.

Training ground ng BIFF sa Maguindanao, nakubkob ng military; 37 BIFF napaslang

Umaabot na sa 37 mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napaslang sa ikalimang araw na umaatikabong bakbakan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga rebelde sa Maguindanao at North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, isang sundalo rin ang napatay habang pito pa ang nasugatan matapos na masabugan ng improvised explosive device at mortar ng BIFF.

Illegal na droga at sugal; talamak pa rin sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Nananatiling pinaka-ugat pa rin ng mga nangyayaring kriminalidad sa bayan ng Kabacan ang talamak na pagtutulak at paggamit ng droga bukod pa sa sugal.

Ginawa ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang pahayag sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting kahapon.

2 sugatan sa aksidente sa highway sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Sugatan ang dalawang mga drayber ng motorsiklo matapos na masangkot ang mga ito sa aksidente sa National Highway sa bahagi ng Barangay Nasapian, Carmen, North cotabato alas 9:10 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Carmen PNP Traffic Division ang mga sugatan na sina John Librando, resident eng Poblacion Carmen at minamaneho ang kulay pulang Yamaha single motorcycle habang sugatan din ang isang Abdul Bayan Bida at residente ng Tupig ng nasabing lugar.

Bangkay ng Batang babae na nalunod sa ilog ng Pikit, North Cotabato kinilala na ng kanyang kamag-anak

(Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Kinilala na ng kanyang kamag-anak ang bangkay ng batang babae na naagnas ng matagpuang palutang-lutang sa Rio Grande de Mindanao noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne Saliling agad na inilibing sa tradisyon ng mga kapatid nating muslim ang nasabing bangkay.

Sagupaan ng Militar at NPA, muling sumiklab sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Muling nagkasagupa ang tropa ng militar at New People’s Army o NPA sa Sitio Kapatagan, Barangay Luayon, Makilala, North Cotabato alas 10:30 kaninang umaga.

Sinabi ng tagapagsalita ng 57th Infantry Battalion Lt. Manuel Gatus nagtagal ng halos tatlumpung minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Mga nagsilikas sa Pikit, North Cotabato; nasa 7 evacuation center pa rin; tulong inaasahang ipapamahagi ngayong araw

(Pikit, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Umaabot na sa 895 na mga pamilya ang ngayon ay nananatili pa rin sa pitong mga evacuation center sa Pikit, North Cotabato matapos na nagsilikas ang mga ito dala ng sagupaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Militar sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction Officer Tahira Kalantongan ang nasabing bilang ay batay sa pinakahuling data na nakuha nila kahapon.

3 high risk criminals, nasakote sa Maguindanao

(Datu Paglas, Maguindanao/ January 28, 2014) ---Arestado ang tatlong mga pinaniniwalaang high risk criminals sa isinagawang raid ng mga otoridad sa Datu Paglas, Maguindanao alas 7:00 kaninang umaga.

Kinilala ni North Cotabato Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Chief Inspector Elmer Guevarra ang mga suspek na sina Thong Usop, Kamarudin Bualan at Kudzak Pusdan lahat residente ng Barangay Damalusay sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao.

2 sugatan sa aksidente sa Higway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling sa isang bahay pagamutan dito sa bayan ng Kabacan ang dalawang drayber matapos na masangkot sa aksidente sa daan.

Ayon sa report kinilala ang sugatang drayber na sina Alberto Mawan nasa tamang edad residente ng Sitio Liton, Kabacan, Cotabato habang kinilala naman ang isa pa na si Yasser Salilama minor de edad residente ng Brgy Kilada Matalam Cotabato.

29-anyos na tulak droga, arestado ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ January 28, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 29-anyos na tulak droga makaraang maaresto ng Matalam PNP alas 11:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Abdulkarim Daginday Unsil residente ng Purok Tagumpay, Barangay Marbel, Matalam.

Kaguluhan sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao, tiniyak na walang spill over ---Col. Hermoso

(Maguindanao/ January 28, 2014) ---Tiniyak ngayon ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na hindi na lalawak ang kaguluhan sa ibang lugar, matapos na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng sundalo at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa boundary ng North Cotabato at Maguindanao, kamakawala.

Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng 6th Infantry Division Col. Dickson Hermoso sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Dayalogo sa pagbuo ng bagong bayan sa North Cotabato sinimulan na

Written by Roderick Rivera Bautista

Pinangunahan ng tanggapan ni Pikit Mayor’s Office ang dayalogo tungkol sa pagbuo ng isang bagong munisipyo sa North Cotabato.

Ginanap ang nasabing konsultasyon sa Sultan Farmhouse, Sitio Baruyan, Barangay Nalapaan kung saan dumalo ang mga opisyal ng iba’t- ibang barangay ng Pikit, municipal officialsemployees at iba pang stakeholders.

Naaagnas na bangkay ng batang babae nakitang palutang-lutang sa ilog ng Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Nasa state of decomposition nang matagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na bangkay ng isang batang babae sa Rio Grande de Mindanao partikular sa Barangay Paidu Pulangi, Pikit, North Cotabato alas 2:45 ng hapon nitong Sabado.

Ayon kay PInsp. Mautin Pangandigan, OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang narekober na bangkay ay nasa 7 hanggang 13 taong gulang na batang babae.

Mister sugatan habang kalaguyo nito kritikal matapos na tagain ng Misis sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa Cotabato Provincial Hospital ang kalaguyo ng isang 36-anyos na mister matapos na pagtatagain ng mismong misis nito sa Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala nito ang biktima na si Rolyn Capungha sinasabing kalaguyo umano ni Roger Hipona Ibias na nagtamo naman ng malubhang saksak matapos na mahuli sa akto ng misis nito na kinilalang si Melinda Ibias na nagtatalik sa mismong bahay nila.

37-anyos na tulak droga, tiklo sa buybust operation sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Kalabuso ngayon sa Kabacan lock-up cell ang pinaniniwalaang tulak droga matapos na masakote ng mga otoridad sa isinagawang buybust sa Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato ala 1:15 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nasser Gonsang Alias Nasser, 37-anyos, kasado at residente ng Mapanao Extension ng bayang ito.

Sundalo, patay sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Patay ang isang kasapi ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa National Highway ng Sitio Malabuaya, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:45 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Cpl Kung Balono, kasapi ng 512 Engineering Battalion, PA at residente ng Pikit, North Cotabato.

Mga Establisiemento sa Kabacan, isailalim sa safe Fire Safety Inspection

(Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Isailalim sa masusing pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection Kabacan ang lahat ng mga establisiemento matapos na dumaan ang mga ito sa Business One Stop Shop o BOSS.

Ito ay ayon kay FO1 Shulhari Andik ng Bureau Fire Protection Kabacan.

Mindanao Association of State Tertiary Schools, pinaghahandaan!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ng Institute of Sports Physical Education and Recreation o ISPEAR sa Mindanao Association  of State Tertiary Schools.

Gaganapin ang MASTS ngayong darating na ika-3 hanggang ika-7 ng Marso sa Bukidnon State University Malaybalay, Bukidnon.

LGU Kabacan, naglagay na ng “Ang Sumbungan ng Bayan”

(Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Para sa mas maayos na serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan, naglagay na ngayon ng Ang sumbungan ng Bayan o Contact Center ng Bayan ang munisipyo.

Ayon kay Human Resource Management Head Grace Ullo isa ito sa mga pagtalima nila sa ipinapatupad na Anti Red Tapr Act o ARTA batay sa RA 9485.

Ambush; 1 patay, 1 sugatan

(Banisilan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Patay ang isang helper ng truck habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama sa nangyaring ambush sa highway ng Banisilan, North Cotabato alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Army’s 602nd Brigade spokesman Capatain Antonio Bulao ang nasawi na si Balong Martinez habang malubhang nasugatan naman ang kasama nitong si Michael Palmes na kapwa residente ng Banisilan, North Cotabato.

40 anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Patay ang isang 40 anyos na lalaki matapos pag babarilin sa Sitio Lumayong,Barangy. Kayaga Kabacan,Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Mads Matalam residente ng Kilangan, Maguindanao.

7 mga barangay ng Kabacan, nabiyayaan ng Solar Drier mula sa LGU

(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Natapos na ang solar drier na ipinatayo ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pitong mga barangay sa Bayan ng Kabacan.

Sinabi ni Agricultural Technologist Ireneo Nidoy na magagamit na ng mga magsasaka ang nasabing pasilidad pang-agrikultura.

Mahigit P24M halaga ng medical equipment mula sa WMRI ipinamahagi sa 8 government hospitals ng Cotabato

Written By: Jimmy Santacruz

(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2014) ---Abot sa 87 hospital beds with head/footboards at 75 hospital mattresses ang dumating sa Cotabato provincial capitol kahapon ng umaga.

Ang naturang mga hospital equipment ay donasyon mula sa World Medical Relief Mission, Inc. o WMRI na nagkakahalaga ng P24,660,000.00 ay agad ding ipinamahagi 8 mga pampublikong pagamutan sa lalawigan.

DepEd North Cotabato handa na para sa Early Registration ngayong January 25

(Amas, Kidapawan City/ January 23, 2014) ---Handa na ang pamunuan ng DepEd North Cotabato para sa gagawing early registration program sa January 25, 2014.

Ito ang tiniyak kahapon ni School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya, nagsagawa na ito ng management meeting sa mga district supervisor at mga secondary school heads hinggil sa early program ng Kagawaran.

“Kapulisan ng Antipas advocates ng Human Rights at walang sinasaktang tao” –PSI Fornan

(Antipas, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Nagtatrabaho ng matiwasay at walang bahid pulitika at walang intensiyon na manira at manakit ng ibang tao ang mga kapulisan.

Ito ang naging reaksiyon ni Police Senior Inspector Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP matapos na sasampahan umano ng kaso ang apat nitong mga tauhan.

Agriculture Licensure Exam Review, nagsimula na sa University of Southern Mindanao Kabacan, Coatabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Nagsimula na ang Agriculture Licensure Exam review noong Sabado Ika-18 ng Enero sa University of Southern Mindanao Kabacan Cotabato.

Isinasagawa ang review tuwing Sabado at Linggo sa College of Agriculture.

Libreng Medical at Dental Check-up Sa Brgy. Malanduage Kabacan North Cotabato, isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Kasabay ng pagdiriwang ng ika-66th foundation anniversary ng barangay Malanduage kabacan Cotabato ay nagsagawa din ang LGU Kabacan ng Libreng Medical at Dental Check-up nuong lunes sa nasabing Baranggay sa pungunguna ni Mayor Herlo P. Guzman.

Tuwang-tuwa naman ang mahigit 500 na bata matapos mabigyan ng mga tsinelas kasabay ng nasabing programa.

Elektrisidad, FMR, at irigasyon tututukan sa ilang komunidad ng Pikit, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Pikit, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Nagsagawa kamakailan ng survey ang iba’t- ibang ahensya ng gobyerno sa ilang komunidad ng bayan ng Pikit, North Cotabato.

Pinangunahan ito ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus “Susing” Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second District Engineering Office at ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO- PPALMA.

DXVL Radyo ng Bayan ang puso at boses ng CabateƱos, patuloy na maglilingkod

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Mula sa dating DXKA 93.3 ngayon ay isa ng affiliate station ng Philippine Broadcasting Service ng Radyo ng Bayan, ito ang DXVL 94.9 Kool FM Radyo ng Bayan at naging bahagi na ng boses at puso ng South Central Mindanao ay patuloy na maglilingkod sa bahaging ito ng Mindanao batay sa mission at vision ng Pamantasan.

Ito ang naging pahayag ni Dr. Anita Tacardon dating station manager ng DXVL Radyo ng Bayan sa payak na seremonya ng turn-over ceremony kahapon ng hapon sa himpilan.

9 na sundalo ng 6th ID nag positibo sa illegal drugs; isinailalim na sa articles of War

Siyam na sundalo sa ilalim ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang nadiskubreng nagpositibo sa illegal na droga.

Ito ayon kay Col. Dickson Hermoso, ang tagapagsalita ng 6th ID sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Van at Motorsiklo; nagbanggan sa Pikit, NCot; ilang pasahero sugatan

(Pikit, North Cotabato/ January 21, 2014) ---Isang L300 van mitsubishi na may plakang LDV – 157 at motorsiklo, kulay pula ang nagbanggaan sa Pikit Cotabato noong linggo dakung alas – 11 ng umaga.

Kinilala naman ng Pikit PNP ang driver ng nsabing van na si Rigel Gaid, 25 – anyos, may asawa at residente ng barangay Manvao Pigkawayan Cotabato.

16th Founding Anniversary ng Kidapawan, pinaghahandaan na!

(Kidapawan City/ January 21, 2014) ---Pararangalan ng City Government ang mga natatanging KidapaweƱo sa pagdidiriwang ng ika labing anim na taong City hood nito sa February 12.

Pinaka highlight ng selebrasyon ang pagkilala sa mga Most Outstanding KidapaweƱo na nakagawa ng katapatan at ibayong kabutihan sa kapwa at sa mga komunidad.

60 mga motorista nasabat sa Kidapawan City dahil sa patuloy na paglabag sa batas trapiko

(Kidapawan City/ January 21, 2014) ---Dahil sa tulo-tuloy na opersyon ng mga otoridad sa kidapawan City, marami-rami na ring mga motorist ang kanilang nasampulan at nabigyan ng leksyon simula noong nakaraang linggo hanggang kahapon.

Sa ngayon ay abot na sa mahigit 60 ang kanilang napatawan ng mga penalidad o naisyuhan ng temporary operator permit o TOP.

Biyenan, manugang at apo nagtagaan sa Midsayap, North Cotabato; 3 sugatan

(Midsayap, North Cotabato/ January 21, 2014) ---Sugatan ang magkamag-anak ng magtagaan ang mga ito sa Purok Sto. Nino, Midsayap, North Cotabato alas 9:20 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang mga biktima na sina Terzo Ferolin 61 anyos, Cristituto Comichod 49 at Jekie Comichod 19 residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya lasing umanong dumating si Cristituto Comichod sa kanilang tahanan at nagwawala dahil nanghihingi ito ng pera sa kanyang anak para ibili ng inumin.