(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2014)
---Patay ang isang kasapi ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng mga
suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa National Highway ng Sitio
Malabuaya, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:45 ng gabi nitong Sabado.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Cpl Kung Balono, kasapi ng 512 Engineering Battalion, PA at residente ng Pikit,
North Cotabato.
Batay sa report sakay umano ng single
motorcycle ang biktima at tinatahak ang kahabaan papunta sa Pikit ng sundan ito
ng mga suspek at pagbabarilin.
Patay on the spot ang biktima.
Mabilis na tumakas angmga suspek sa di
malamang direksiyon matapos ang insedente.
Samantala, agad namang gi-claim ng
kamag-anak ng biktima na si Barangay Kapitan Kuat Butuan ng Barangay Balatikan,
Pikit ang bangkay na katawan ng biktima.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng
Kabacan PNP para alamin ang totoong motibo sa insedente. Rhoderick BeƱez
Kabacan PNP para alamin ang totoong motibo sa insedente. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento