Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng Batang babae na nalunod sa ilog ng Pikit, North Cotabato kinilala na ng kanyang kamag-anak

(Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Kinilala na ng kanyang kamag-anak ang bangkay ng batang babae na naagnas ng matagpuang palutang-lutang sa Rio Grande de Mindanao noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne Saliling agad na inilibing sa tradisyon ng mga kapatid nating muslim ang nasabing bangkay.


Kinilala ang biktima na si Bailaga Macaalay, sampung taong gulang na bata na nalunod sa ilog ng Tamped.

Mismong ang lolo nito na si Abdulah Macaalay ang humingi ng tulong sa LGU kasama ang pinsan ng biktima na si Pama Blaim pasado alas 5:00 ng hapon, ito matapos na marinig sa radyo ang nasabing balita at mga panawagan.


Agad namang binigyan ng Assistance ng LGU Kabacan sa pamamagitan ni Mayor Herlo Guzman Jr. ang kamag-anak ng nasabing bata dahilan para mailabas ito sa Villa Jusa Funeral homes kungsaan nakalagak ang labi nito ng ilang araw. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento