Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga nagsilikas sa Pikit, North Cotabato; nasa 7 evacuation center pa rin; tulong inaasahang ipapamahagi ngayong araw

(Pikit, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Umaabot na sa 895 na mga pamilya ang ngayon ay nananatili pa rin sa pitong mga evacuation center sa Pikit, North Cotabato matapos na nagsilikas ang mga ito dala ng sagupaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Militar sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction Officer Tahira Kalantongan ang nasabing bilang ay batay sa pinakahuling data na nakuha nila kahapon.

Sinabi ni Kalantongan na patuloy ang kanilang validation sa nasabing bilang ng pamilyang naapektuhan para sa ibibigay na relief packs at ilan pang ayuda na ipapamahagi ngayong araw ng LGU Pikit at ng Provincial Government ng North Cotabato.

Ang mga pamilyang nagsilikas ay buhat sa Barangay Gli-gli, Sitio Balidet ng Barangay Bulol, Madrasah ng Mabual, Balong House base at Bulod.


Sa ngayon ang mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa KAbasalan Evacuation center habang ang iba naman ay nakitira pansamantala sa kanilang kamag-anak. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento