(Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014)
---Isailalim sa masusing pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection Kabacan ang
lahat ng mga establisiemento matapos na dumaan ang mga ito sa Business One Stop
Shop o BOSS.
Ito ay ayon kay FO1 Shulhari Andik ng Bureau
Fire Protection Kabacan.
Dagdag pa ni Andik na kailangan umanong
suriin ang mga establisiemento at malaman ang kapasidad ng mga gusali at ang
kakayahan nito na masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kostumer sa panahon
na mag kakaroon ng emergency kagaya ng sunog.
Paalala ng BFP sa mga mamamayan ng kabacan
palaging suriin at siguradohin ang kanilang Fire Safety Measures, at mag report
kaagad kung sakaling may mamataan na sunog sa 160/064/391/1789. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento