Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

60 mga motorista nasabat sa Kidapawan City dahil sa patuloy na paglabag sa batas trapiko

(Kidapawan City/ January 21, 2014) ---Dahil sa tulo-tuloy na opersyon ng mga otoridad sa kidapawan City, marami-rami na ring mga motorist ang kanilang nasampulan at nabigyan ng leksyon simula noong nakaraang linggo hanggang kahapon.

Sa ngayon ay abot na sa mahigit 60 ang kanilang napatawan ng mga penalidad o naisyuhan ng temporary operator permit o TOP.

Ayon kay Kidapawan City PNP Deputy Chief Of Police Inspector Samuel Bascon magtuloy-tuloy pa ang kanilang operasyon para makatulong sa paglutas ng problema at krimen sa lungsod ng Kidapawan.

Kadalasan sa mga untoward incident sa lungsod ay kinasasangkutan ng mga motorcycle riding in tandem at malaking tulong angb highway operation para magdadalawang isip ang mga masasamang loob kung itutuloy nila ang kanilang masamang plano.

Bahagi rin ng implementasyon nito ay pagpapatupad ng No helmet ,No travel Policy sa ilalim ng R.A 4136 o Land transportation and traffic code.

Inaasahan naman na sa mga susunod pang mga operasyon ay makikipagtulungan pa rin ang mga motorist dahil ito rin ay para naman sa kapakanan ng mas nakararami.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento