Siyam na sundalo sa ilalim ng 6th
Infantry Division ng Philippine Army ang nadiskubreng nagpositibo sa illegal na
droga.
Ito ayon kay Col. Dickson Hermoso, ang
tagapagsalita ng 6th ID sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Sinabi ng opisyal na ang siyam na mga
sundalo mula sa kanilang division ay isinailalim na sa articles of war at para
hindi rin malabag ang kanilang karapatan ipinasiyasat din angmga ito sa isang
intensive examination.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang
lumabas na report na may higit 100 mga sundalo ang nagpositibo sa random drug
test.
Dahil dito sinabi ni Col. Hermoso na may mga
sundalo na itong tinanggal sa serbisyo dahil sa illegal na droga pero di muna
nito binanggit ang bilang ng mga dinis-charge sa trabaho. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento