Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Agriculture Licensure Exam Review, nagsimula na sa University of Southern Mindanao Kabacan, Coatabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Nagsimula na ang Agriculture Licensure Exam review noong Sabado Ika-18 ng Enero sa University of Southern Mindanao Kabacan Cotabato.

Isinasagawa ang review tuwing Sabado at Linggo sa College of Agriculture.


Ayon kay CA Research Assistant Leo Gayao ngayon pa lamang ay puspusan na ang kanilang paghahanda partikular na sa mga graduate ng Agriculture ng USM ito para mapataas pa ang National Passing ng Pamantasan sa larangan ng Licensure Examination in Agriculture.

Ayon sa kanilang record mayroong 176 graduates ang kumuha ng exam at 140 ang bilang ng mga nakapasa sa passing rate na 59.9%.

Masaya naman ang kolehiyo ng pagsasaka na nakuha nila ang pangatlong pwesto bilang top performer ng center of excellence at center of development.

Narito rin ang susunod pang schedule, para sa Agricultural Extension and Communication gaganapin ito ngayong January 25 and 26, para naman sa Crop Protection gaganapin ito ngayong February 1-2,8-9,15 and 16 para sa Agricultural Economics and Marketing gaganapin ito ngayong February 22-23 at March 1 and 2, para sa Crop Science ito ay gaganapin ngayong March 8-9, 15-16,22 and 23, At para naman sa Animal Science gaganapin ito ngayong April 12-13, 19-20, 26 at 27. USM Devcom Intern Febelyn Aguirre Arconado DXVL News



0 comments:

Mag-post ng isang Komento