Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

16th Founding Anniversary ng Kidapawan, pinaghahandaan na!

(Kidapawan City/ January 21, 2014) ---Pararangalan ng City Government ang mga natatanging Kidapaweño sa pagdidiriwang ng ika labing anim na taong City hood nito sa February 12.

Pinaka highlight ng selebrasyon ang pagkilala sa mga Most Outstanding Kidapaweño na nakagawa ng katapatan at ibayong kabutihan sa kapwa at sa mga komunidad.

Hindi lamang natatanging Kidapaweño ang bibigyang parangal sa okasyon.

Gagawaran din ang mga Most Outstanding Tax Payers bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pagpapa-unlad pa ng lungsod.

Ginagawa ito upang hikayatin ang lahat na magbayad ng tamang buwis sa Lokal na Pamahalaan sa pagsusulong ng mga proyekto at programang pang kaunlaran.

Gagawin ang parangal sa Culmination Program ng 16th City Hood Anniversary sa umaga ng February 12 sa City Gymnasium.

Kaugnay ng mga paghahandang ginagawa sa pagdiriwang, ay naisa-pinal na rin ang mga tampok na aktibidad sa okasyon.

Pangungunahan ni Mayor Evangelista ang pagsisimula ng 16th City hood Anniversary sa pagbubukas ng Agro-Industrial Trade Fair sa City Pavilion sa February 8. Ilan lamang sa highlights ng 16th City Hood Anniversary ay ang tradisyunal na Coronation Night ng Search for the Mutya ng Kidapawan 2013 kung saan ay magtatagisan ng kagandahan, galing at talino ang siyam na mga kandidata ng patimpalak sa gabi ng February 10.

Tema ng pagdidiriwang ng ika 16th City Hood Anniversary ng lungsod ay “ Bayang Panatag, Bayang Matatag”.

Iniimbitahan ng alkalde ang publiko na saksihan ang mga tampok na aktibidad sa okasyon.



Naging component city ng Lalawigan ng Cotabato ang Kidapawan sa bisa ng Republic Act 8500 na nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos sa Palasyo ng Malacañang noong February 12, 1998.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento