Written
by Roderick Rivera Bautista
Pinangunahan ng tanggapan ni Pikit Mayor’s
Office ang dayalogo tungkol sa pagbuo ng isang bagong munisipyo sa North
Cotabato.
Ginanap ang nasabing konsultasyon sa Sultan
Farmhouse, Sitio Baruyan, Barangay Nalapaan kung saan dumalo ang mga opisyal ng
iba’t- ibang barangay ng Pikit, municipal officialsemployees at iba pang
stakeholders.
Inihayag ni Association of Barangay Captains
o ABC Regional President at North Cotabato Board Member Dulia Sultan na ang
konsultasyong ginawa ngayong araw ay simula pa lamang ng mas malawakang
konsultasyon sa iba’t- ibang barangay na maaapektuhan.
Sisimulan ang barangay level consultation
ngayong a-8 ng Pebrero sa Barangay Takepan.
Nabatid na ang bayan ng Pikit ay may 42
barangay kung saan 19 mula dito ang bubuo sa ipinapakulang bagong bayan.
Samantala, buo naman ang suporta ng
tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan sa planong ito.
Hinikayat ng district office ng kongresista
ang mga lider ng Pikit na tutukan ang konsultasyon at kumpletuhin na ang mga
kaukulang dokumento para sa nabanggit na ‘proposed creation of a new
municipality.’
0 comments:
Mag-post ng isang Komento