Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Elektrisidad, FMR, at irigasyon tututukan sa ilang komunidad ng Pikit, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Pikit, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Nagsagawa kamakailan ng survey ang iba’t- ibang ahensya ng gobyerno sa ilang komunidad ng bayan ng Pikit, North Cotabato.

Pinangunahan ito ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus “Susing” Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second District Engineering Office at ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO- PPALMA.


Batay sa kanilang pagsisiyat ay nabuo ang sumusunod na rekomendasyon;
  1. Pagpapakabit ng linya ng kuryente sa Sitio Kadingilan, Barangay Lagunde, Pikit na ipapatupad ng COTELCO PPALMA, at

  1. Pagkongkreto ng Farm-To-Market Road o FMR sa Sitio Kadingilan ng nasabing barangay na siya namang pangungunahan ng DPWH Cotabato Second District Engineering Office.

Kasabay ng nabanggit na survey ay ang pagbisita sa multi-milyong Malitubog-Maridagao o Mal-Mar Irrigation Projects na kasalukuyang ginagawa ng National Irrigation Administration o NIA Region 12 sa mga barangay ng Panicupan, Nalapaan, Takepan at kalapit na mga barangay.

Ang Mal-Mar ang pangunahing irrigation project na pakikinabangan ng mga magsasaka ng maraming barangay ng Pikit partikular ang mga dating conflict affected areas.

Inihayag ni Rep. Sacdalan na ang isinagawang survey ay upang madokumento ang implementasyon ng Mal-Mar kung saan iuulat niya ito sa pamahalaang nasyunal.

Puspusan ding itinataguyod ng kongresista ang pagkonsulta sa mga opisyal ng barangay at iba pang community leaders sa Pikit upanga malaman ang prayoridad na proyekto para sa kanilang komunidad.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento