Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Daan-daang mga buntis, nakiisa sa isinagawang “buntis day” sa bayan ng Mlang

By: Williamore Magbanua

(Malang, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Daan-daang mga buntis mula sa ibat-ibang barangay sa bayang ito ang nakiisa sa isinagawang “buntis day” na inorganisa nang Municipal Health Office (MHO) nitong araw ng Huwebes.

Ayon kay Dr. Glecerio Sotea, MD ang health officer ng Mlang na layon ng nasabing aktibidad na magabayan ang mga buntis sa tamang pangangalaga ng kanilang mga sarili hanggang sa mailuwal nila ang kanilang mga supling.

Pagbuo ng Implementing Rules and Regulations ng Organic Agriculture Code ng Cotabato Province, Isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Isasapinal na ang binubuong Organic Agriculture Code ng lalawigan ng Cotabato makaraan ang isinagawang workshop hinggil dito sa General Santos City kamakailan.

Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Technical Working Group ng Provincial Organic Agriculture Board na nagmula pa sa iba’t-ibang sector at mga institusyon na kinabibilangan ng DepEd, DTI, NIA, DILG, DAR, small farmer group, NGO, private entrepreneur at ang SP Chairman ng Committee on Tourism and Education.

Sa report ni OPAG Agricultural technologist Ruel Villanueva kasama rin dito ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato na pinangungunahan ni PA Eliseo Mangliwan.

Mga Abogado ng mga Ampatuan, nagbitiw sa gitna ng isyu ng suhulan sa mga DoJ prosecutor

(North Cotabato/ August 8, 2014) ---Nagbitiw na bilang legal counsel ng mga Ampatuan ang tatlong mga defense lawyer sa Maguindanao massacre case.

Nabatid na magkahiwalay na naghain ng kanilang withdrawal of appearance sina Atty. Andres Manuel, Atty. Paris Real, at Atty. Sigfrid Fortun sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221. Nagkain ng kanyang withdrawal of appearance si Fortun para sa mga akusadong sina Andal Ampatuan Sr. at Andal Jr.

Bagong Kapitan ng Brgy. Ulandang sa Midsayap, naitalaga na

(Midsayap, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Matapos mapaslang sa nangyaring raid kamakalawa may naitalaga ng bagong kapitan ng Brgy. Ulandang, Midsayap, North Cotabato.

Ang naturang impormasyon ay inilabas matapos magsagawa ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay Ulandang sa tanggapan ni Midsayap Mayor Romeo Aranya, kasama si DILG Local government operations officer at Sangunian ng bayan representative Ricardo Fernandez napagdesisyonan na ang nangunang kagawad ng baranggay na si Sahada Pipican ang ipinalit kay

Pagkakaisa, sentro sa pagdiriwang ng ika- 53 anibersaryo ng bayan ng Libungan, North Cotabato

By Roderick Rivera Bautista

(Libungan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Kitang- kita ang pagkakaisa ng mga Libunganon sa kanilang pagdiriwang ng ika- 53 anibersaryo ng kanilang bayan.

Aktibong lumahok ang mga kinatawan ng ibat- ibang sektor sa idinaos na culmination activity ngayong araw sa municipal grounds.

Preso, patay sa loob ng bilangguan

(North Cotabato/ August 8, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 23-anyos na inmate makaraang atakihen sa puso sa loob ng lock up cell ng Maguindanao Provicial Jail, sa lalawigan ng Maguindanao, ayon sa ulat ngayong araw.

Kinilala mismo ni Jail warden Baman Bukid ang nasawing bilanggo na si Tata Udsing 23 years old, residente ng Parang Maguindanao na may kasong paglabag sa illegal na droga.

Mag-inang negosyante, hinold-up na tinangay pa ang motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Hinold-up ng dalawang di pa nakilalang mga suspek ang mag-inang negosyante at tinangay pa ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa Sitio Dima, Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating sa Kabacan PNP nakilala ang mga biktima na sina Grace Pascual Domingo, 24-anyos habang nakilala naman ang ina nitong si Rosita Domingo, 63-anyos kapwa residente ng Brgy. Kilagasan ng bayang ito.

Estudyante ng USM, patay sa nangyaring Vehicular Accident sa Matalam, Cotabato

Photo from FB
(Matalam, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Dead on arrival sa bahay pagamutan ang isang 4th year College Student ng University of Southern Mindanao makaraang masangkot sa vehicular accident sa National Highway partikular sa harap ng Bersola residence, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang nasawing biktima na si Philip John Dalodado Torres, 22-anyos, 4th year College Student ng USM at residente ng Katidtuan, Kabacan.

61-anyos na lolo na most wanted sa Davao del Norte, huli sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Arestado ng mga elemento ng Carmen PNP ang isang 61-anyos na lolo na sinasabing top ten list sa mga most wanted sa Davao del Norte.

Sa report ng Carmen PNP nahuli ang suspek na kinilalang si Enrique Hechanova Castor sa Sitio Dinurugan, Brgy. Kibudtungan, Carmen, Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kanina.

40 days ni Ka-kunektadong Irah, gugunitain ngayong araw!

(Kabacan, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Gugunitain ngayong araw ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga kasama sa trabaho ang 40 araw na pagkamatay ni Miss Irah Palencia Gelacio ng DXVL Radyo ng Bayan.

Planu ng kanyang mga kapamilya at mga kasamahan sa trabaho na magtungo sa sementeryo ngayong umaga para alalahanin ang 40 days nito sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak at pagtirik ng kandila.

Matatandaang Hunyo a-29 ng madaling araw ng pumanaw ang broadcaster ng DXVL dahil sa kumplikasyon nito na dinaramdam matapos na manganak noong Hunyo a-24 ng madaling araw sa Lying-In ng RHU Kabacan.

LGU Kabacan at Matalam, muling nag-usap hinggil sa land Conflict sa political boundary

(Kaabcan, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Muling nagharap sa isang pagpupulong ang ilang mga lokal na opisyal ng Kabacan at Matalam upang pag-usapan ang land conflict sa Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon kay Executive Assistant to the Mayor Yvonne Saliling na kabilang sa mga napag-usapan ay ang paglalagay ng Joint Ceasefire Monitoring Post na mag-momonitor sa erya.

Mga Detachment ng sundalo sa Maguindanao; hinarass ng mga BIFF

(North Cotabato/ August 7, 2014) ---Sunod-sunod na sinalakay ng mga bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang mga army detachment sa lalawigan ng Maguindanao.

Una nito, hinarass ngmga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang army detachment sa Barangay Ganta, bayan ng Shariff Saidona Mustapha gabi ng Lunes kung saan nasundan ng palitan ng putok.

Technical working group na tututok sa mga hinaing ng IP’s sa North Cotabato, pinabubuo na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 6, 2014) ---Planung bubuin bago matapos ang buwan ng Agosto ang Technical Working Group upang panguna sa pagtutok sa mga isyu at hinaing ng mga Indigenous People sa North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato 2nd DIstrict Representative at House Committee on IPs chairperson Nancy Catamco, may mga inilatag ng miyembro ng TWG na bubuo sa nasabing pagsisisyasat.

Kauna-unahang SUA ni USM Pres. Dr. Garcia, ihahayag kasabay ng convocation program ngayong umaga

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 6, 2014) ---Kasado na ang gagawing State of the University Address ni University of Southern Mindanao President Dr. Francisco Garcia, na isasagawa sa USM Ground, anumang oras ngayong umaga.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torres sa panayam ng DXVL News.

Ihahayag ng pangulo ang kanyang kauna-unahang SUA matapos ang gagawing convocation program kung saan lalamanin nito ang mga nagawa ng Pangulo sa loob ng mahigit anim na buwang panunungkulan sa Pamantasan.

Binatilyo sinermunan ng tatay, nagbigti...Misis umuwing buntis; mister nag-suicide…

(Sultan Kudarat/ August 5, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na tinedyer na sinasabing siner­munan ng kanyang tatay makaraang magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat noong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na impormasyong ipinarating ng Lambayong PNP, natagpuang nakabitin si Jeric Lim sa kanyang kuwarto.

Bago ang insidente, pinagalitan umano ito ng kanyang tatay dahil sa hindi nasunod na utos na mailuto ang noodles.

Tatlong OFW na dumanas ng hirap sa Middle East nakauwi na sa bansa

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ August 5, 2014) ---Nakauwi na dito sa Pilipinas ang tatlong Overseas Filipino Workers o OFW mula sa Middle East.

Nitong Hulyo a-10 ay masayang sinalubong ng kanang pamilya si Abegail Raval, 28 anyos at resident ng Barangay Kimagango, Midsayap, North Cotabato.

Umuwi sa Pilipinas si Abagail dahil sa delikadong sitwasyon sanhi ng nagaganap na kaguluhan sa Syria at karatig-bansa sa Gitnang Silangan.

Pinakamahuhusay na dart players tampok sa katatapos na 4th Gov Lala J. Taliño-Mendoza National Open Dart Cup

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ August 4, 2014) ---Abot sa 10 mga nangungunang dart club members sa bansa ang tampok ngayon sa 4th Gov Lala J. Taliño-Mendoza P200,000 National Open Dart Cup na nagsimula noong Aug.1-at nagtapos kahapon sa Colegio de Kidapawan o CDK.

Ayon kay Jevie Curato ng Provincial Treasurer’s Office o PTO at Focal Person ng palaro, ang mga partisipante sa Mindanao ay nagmula sa mga lungsod ng General Santos, Pagadian, davao, Koronadal, Digos, Cotabato, Tacurong, Tagum, Cagayan de Oro, Bayugan, Ipil-Zamboanga del Sur, Sindangan-Zambonga del Norte at Banga- South Cotabato.

Mga kandidata ng Mutya ng NCot 2014 nagpatalbugan sa Haute Couture at Talent Night

By: Jimmy Sta. Cruz

Kapanapanabik at makapigil-hininga. Ito ang nasambit ng libu-libong mga nanood ng pinaka-aabangang Haute Couture at Talent Night ng mga kanddidata ng Mutya ng North Cotabato 2014 – Centennial Queen na ginanap sa Magpet gym noong nitong Biyernes ng gabi.

Unang sumalang sa Haute Couture ang mga kandidata kung saan suot nila ang iba’t-ibang dress creations o mga damit na ang motif ay indigenous.

Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga supporters at fans ng magsimula ng rumampa ang 15 mga kandidata sa entablado at naghiyawan at pakpalakan ang mga ito.

Ayon sa Mutya ng North Cotabato Technical Working Group and Screening Committee Head na si Ralph Ryan Rafael, abot sa 5,000 katao ang dumagsa sa Magpet gym kung kaya’t punung-puno ang palibot nito.

Dagdag na pondo sa Central Mindanao Airport, isinusulong

By: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Nangakong tutulong sa pag lobby nang karagdagang pondo para sa Central Mindanao Airport mula sa national government si 5th district Iloilo Representative Neil Tupas Jr.

Ginawa nang kongresista ang kanyang pangako sa harap ng mahigit sa 5000 mga mamamayan nang bayan ng Mlang na nakiisa sa selebrasyon ng ika-63 taong pagkakatatag ng bayan nitong Agosto 2.

2 Fish Vendor, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Nasa Kritikal ngayon na kondisyon ang isa sa dalawang biktima ng pamamaril sa loob ng Matalam Public Market patikular sa isdaan, sa nangyaring shooting incident sa bayan ng Matalam, Cotabato alas 10:45 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Rhodora Camanzo, 38-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat nito, Elvira Soriano na nagtama ng dalawang tama ng bala sa tiyan nito.

1 patay sa nangyaring putukan sa pinag-aagawang lupa sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Patay ang isang magsasaka makaraang tamaan ng bala sa tiyan sa girian ng dalawang pangkat sa pinag-aawayang lupa sa bahagi ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato alas 7:20 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Ronald Borgonios, 44-anyos, residente ng Purok 7B, Brgy. New Antique, Mlang, North Cotabato.