Kapanapanabik at makapigil-hininga. Ito ang
nasambit ng libu-libong mga nanood ng pinaka-aabangang Haute Couture at Talent
Night ng mga kanddidata ng Mutya ng North Cotabato 2014 – Centennial Queen na
ginanap sa Magpet gym noong nitong Biyernes ng gabi.
Unang sumalang sa Haute Couture ang mga
kandidata kung saan suot nila ang iba’t-ibang dress creations o mga damit na
ang motif ay indigenous.
Hindi magkamayaw ang mga tao lalo na ang mga
supporters at fans ng magsimula ng rumampa ang 15 mga kandidata sa entablado at
naghiyawan at pakpalakan ang mga ito.
Ayon sa Mutya ng North Cotabato Technical
Working Group and Screening Committee Head na si Ralph Ryan Rafael, abot sa
5,000 katao ang dumagsa sa Magpet gym kung kaya’t punung-puno ang palibot nito.
Nagningning naman ang bawat kandidata sa
suot nilang fashion creations na ang layunin ay ipakita ang ganda at yaman ng
mga kauotan ng mga katutubo sa lalawigan ng Cotabato.
Lalo pang dumagundong ang gym ng Magpet ng magpakita na ng talento ang bawat
kandidata kung saan iba’t-ibang husay sa pagsayaw, pagkanta at pag arte ang
kanilang ipinamalas.
Limang mga kandidata naman ang nanguna sa
Hatue Couture at lima rin sa Talent presentation.
Para sa Haute Couture ang top 5 ay sina
Candidate no. 12 Shyrene Allado, Candidate No. 12 Keziah Arroyo, Candidate No.
6 Charmaine Fajanela, Candidate No. 7 Clarice Faith V. Tero at Candidate no. 3
Liezel Libria.
Top 5
naman sa Talent Presentation sina candidate no.8 Mungan E. Mamparair, Candidate
no. 6- Charmaine Fajanela, Candidate no. 3 Liezel A. Libria, Candidate No. 9-
Antoinette V Relasyon at Candidate no. 7
- Clarice Faith V. Tero.
Naging matagumpay naman ang Haute Couture at
Talent Night matapos ang mahusay na pagtutulungan at koordinasyon ng Provincial
Government of Cotabato at Magpet Local Government Unit.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento