By:
Williamore Magbanua
(Mlang, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Nangakong
tutulong sa pag lobby nang karagdagang pondo para sa Central Mindanao Airport
mula sa national government si 5th district Iloilo Representative Neil Tupas
Jr.
Ginawa nang kongresista ang kanyang pangako
sa harap ng mahigit sa 5000 mga mamamayan nang bayan ng Mlang na nakiisa sa
selebrasyon ng ika-63 taong pagkakatatag ng bayan nitong Agosto 2.
Si
Tupas ang guest of honor at speaker sa nabanggit na okasyon.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Tupas ang mga
Mlangenos maging ang mga lokal na lider ng bayan dahil sa maganda at mainit na
pagtanggap nila sa kanya bilang bisita.
Ani Tupas, sobra-sobra na ang proyekto na
kanyang ibinigay sa kanyang distrito sa Iloilo kaya panahon narin anya upang
ibahagi naman niya ang anumang sobrang biyaya na kanyang natatanggap sa
Kongreso sa mga taga Mlang.
Binigyang
diin nang mambabatas na kailangang matapos ang airport sa bayan ng Mlang upang
maayos na mailuwas ang mga produkto ng bayan patungo sa kalakhang Maynila.
“Sakaling may airport na ditto madali na
lang para sa inyo ang pagluluwas nang inyong pomelo maging ang mga isdang
tabang patungo ng Maynila,” Ayon kay Tupas.
Pinasalamatan naman ni Mlang Mayor Joselito
Pinol ang mambabatas dahil sa hindi pag atubili pagtangap sa imbetasyon sa
kanya. Ayon kay Mayor Pinol, isang malaking karangalan na madalaw nang isang
kapita-pitagang mambatas ang bayan ng Mlang, kahit pa sa napaka hectic ng
schedules nito.
Ani Mayor Pinol, pagpapakita lamang ito na
espesyal ang mga Ilonggo sa bayan ng Mlang dahil binigyang pagpapahalaga ito ng
isang Neil Tupas na genuine ilonggo din. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento