(Kabacan, North Cotabato/ August 6, 2014)
---Planung bubuin bago matapos ang buwan ng Agosto ang Technical Working Group upang
panguna sa pagtutok sa mga isyu at hinaing ng mga Indigenous People sa North
Cotabato.
Ayon kay North Cotabato 2nd DIstrict
Representative at House Committee on IPs chairperson Nancy Catamco, may mga
inilatag ng miyembro ng TWG na bubuo sa nasabing pagsisisyasat.
Ginawang ng solon ang pahayag sa katatapos
na State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino at ang kanilang
isinasagawang budget deliberation.
Kabilang sa mga bibigyang pansin na hinaing
ngmga IPs ay ang usapin sa Energy Development Corporation at IP Ancestral
Domain na 10 kilometer radius mula sa Mt. Apo, ang legitimacy ng grupong MADADMA
at ang transparency sa hanay ng kanilang Council of Elders.
Inaasahan na pangungunahan mismo ni Rep.
Catamco ang bubuuing TWG kasama ang mga tribal leaders, mga kinatawan ng
National Commission on Indigenous People, Local Government Unit, mga kinatawan
rin mula sa Civil Society Groups at EDC. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento