Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Fish Vendor, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Nasa Kritikal ngayon na kondisyon ang isa sa dalawang biktima ng pamamaril sa loob ng Matalam Public Market patikular sa isdaan, sa nangyaring shooting incident sa bayan ng Matalam, Cotabato alas 10:45 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Rhodora Camanzo, 38-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat nito, Elvira Soriano na nagtama ng dalawang tama ng bala sa tiyan nito.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP sinasabing nagtitinda ng isda sa loob ng isdaan ng merkado publiko ng Matalam ng biglang dumating ang di pa nakilalang suspek at walang abu-abung pinagbabaril ang mga biktima.

Gamit ng suspek ang isang kalibre .45 na pistol batay sa mga empty shell a narekober sa crime scene.

Mabilis na isinugod ang dalawang suspek sa Kidapawan Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Ang nangyaring pamamaril ay tatlong beses na umanong tangka sa buhay ni Elvirah Soriano na mas kilala sa tawag na Dal-ay.

Inaaalam na ngayon ngmga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento