(North Cotabato/ August 8, 2014) ---Maagang
sinalubong ni kamatayan ang isang 23-anyos na inmate makaraang atakihen sa puso
sa loob ng lock up cell ng Maguindanao Provicial Jail, sa lalawigan ng Maguindanao,
ayon sa ulat ngayong araw.
Kinilala mismo ni Jail
warden Baman Bukid ang nasawing bilanggo na si Tata Udsing 23 years old,
residente ng Parang Maguindanao na may kasong paglabag sa illegal na droga.
Bukod sa sakit sa puso may mga Pellets pa ng 12 gauge shotgun ang naiwan sa katawan ni Udsing makaraang mabaril ito bago paman nakulong dagdag pa ni warden Bukid.
Ipinahayag naman ni Baman na hindi nila pinababaya-an ang mga inmates lalong
lalo na ang mga nagkakasakit.
Si Udsing ang ikaktlong
Inmate na ng Provincial Jail na namatay mula noong nakaraang buwan dahil sa
sakit
Nakulong si Udsing noong
Marso a-11 ngayong taon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento