Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay sa nangyaring putukan sa pinag-aagawang lupa sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 4, 2014) ---Patay ang isang magsasaka makaraang tamaan ng bala sa tiyan sa girian ng dalawang pangkat sa pinag-aawayang lupa sa bahagi ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato alas 7:20 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Ronald Borgonios, 44-anyos, residente ng Purok 7B, Brgy. New Antique, Mlang, North Cotabato.

Napag-alaman na nag-aani ng palay ang mga magsasaka sa nasabing lugar na pag-mamay ari ni Manuel Teniripe ng paputukan ang  mga ito ng ng mga armadong grupo buhat sa brgy. Cuyapon sa bayan ng Kabacan, ayon pa kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP.

Alas 11:00 kaninang umaga ng makuha ng kapulisan ang bangkay ng biktima ng rumesponde ang tropa sa lugar para magsagawa ng imbestigasyon.

Sinasabing away-lupa ang nakikitang pinag-ugatan ng nasabing laban ng dalawang pangkat sa lugar sa matagal ng boundary conflict sa hangganan ng bayan ng Matalam at Kabacan.

Una na ring sinabi ni Executive Assistant to the Mayor Yvonne Saliling na Nag-usap na rin sina Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at Matalam Mayor Oscar Valdevieso para matuldukan ang matagal ng pinag-aawayang lupa sa lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento