Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CIT-DIT Day, isasagawa ngayong araw sa USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang Department of Industrial Technology day ng University of Southern Mindanao sa CIT-DIT Ground, USM Compound, Kabacan, Cotabato alas 7:30 ngayong umaga.

Sa programang inihanda, sinabi ni DIT Day Committee Chairman Uldarico Lavalle Jr. ang Technical Operations supervisor ng DXVL na may mga makabuluhang programang inihanda ang kanilang kagawaran para maging kasiya-siya ang kanilang selebrasyon lalo na sa mga mag-aaral at mga faculty at staff nito.

Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing program ngayong umaga si City Division Supervisor for TLE ng Kidapawan City  Remegio Orias kungsaan bibigyang diin nito ang temang “Technology is our way of learning and Industry is our way of Living”.

Dadalo rin sa naturang programa si Dr. Luz Taposok ang Dean ng CIT kungsaan magbibigay naman ng kanyang inspirational message si USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia.

Sa convocation program ay gagawaran din ng parangal ang mga Skillypics, retirees at mga honorees ng DIT.

Bukod sa nabanggit ay magsasagawa din sila ng Induction program sa mga bagong opisyal ng DIT na nahalal at acquaintance party. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento