Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao, arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuli sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP kahapon, sa mas pinaigiting na kampanya kontra illegal na sugal.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Elvis Gascon, 31-anyos, may asawa at residente ng Brgy. New Juaniway, Mlang, North Cotabato na natiklo sa Brgy. Osias dakong alas 8:30 ng umaga kahapon habang huli naman sa bahagi ng Purok Krislam ng Poblacion si Sinempalan Solaiman, 27-anyos, magsasaka at residente ng bayang ito.

Nakuha mula kay Gascon ang ilang mga dahon ng Marijuana at mga buto nito na nakabalot sa dyaryo kungsaan naaresto ang suspek sa isinagawang oplan Sita at kapkap bakal sa Highway Check ng COMPAC ng Brgy. Osias habang lulan ng kanyang Honda Wave 100 na may license plate number 6098 OJ.

Narekober naman mula sa posisyon ni Solaiman ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet ng mahuli ito habang sakay sa isang motorsiklo na MCX Raptor 125 na may plakang 1994 YW ng maispatan sa bahagi ng Purok Krislam.

Kapwa naman kalaboso ngayon sa Kabacan PNP Lock up cell ang dalawa habang naka-impound ang mga motorsiklo ng mga ito at inihahanda na ang karampatang kasong isasampa laban sa mga ito.

Sinabi ni Col. Maribojo na umaabot na sa 17 katao ang kanilang naaresto hinggil sa paglabag sa illegal na droga sa ikalawang quarter ng taong ito at magpapatuloy pa ang kanilang kampanya laban dito para malinis ang Kabacan sa ipinagbabawal na droga.Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento