Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagdiriwang ng Eid’l Fit’r sa Kabacan, naging matagumpay

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Naging mapayapa at matagumpay maliban sa maingay ang pagsalubong ng mga mananampalataya ng Islam sa pagdiriwang ng Eid’l Fit’r o pagtatapos ng buwan ng Ramadhan dito sa bayan ng Kabacan sa pamamagitan ng Takbeer o pagbubunyi at papuri kay Allah.

Liban pa dito ay sabayan rin silang nagdasal o congregational prayer na idinaos sa iba’t-ibang lugar at mga simbanhang Moske sa bayan.

Bukod sa Kabacan ipinagdiriwang din ito sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng North Cotabato kasama na rin sa ARMM at Cotabato City.

Bagaman umuulan, libo-libo pa rin sa mga kapatid nating Muslim ang dumagsa sa mga lugar sambahan bago magsagawa ng kanduli o handaan sa kani-kanilang mga tahanan.


Sa kabuuan, naging mapayapa at makabuluhan ang isang buwan na pagdiriwang ng Ramadhan sa bayan ng Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento