Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga Senior Citizen sa Kabacan, umalma sa tagal ng monthly pension ng mga ito, MSWDO Kabacan, nagpaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Hindi pa dumating ang tseke mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSWD 12 kaya hindi pa nakapag-release ng buwanang pension allowance ang Federation of Senior Citizens Association of the Philippines sa Kabacan.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Federation of Senior citizens Association of the Phils Kabacan chapter Secretary Rosalinda Miguel matapos na nagpaabot ng reklamo sa DXVL ang ilang mga pensioners dahil sa tagal na pagdating ng pension ng mga senior citizen sa Kabacan.


Sinabi naman ni Social Welfare Officer Susan Macalipat na marami pang dapat na isumite ang mga senior citizen na hindi pa nila na comply kaya hindi rin agad agad na-i-download ang pera sa lokal lebel.

Pero tiniyak naman ni Macalipat na kung ma-comply na ito lahat ng mga senior citizen kasama na ang NHTS number ay posibleng mabibigyan na ang mga ito ng kanilang pension ngayong Agosto. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento