(Midsayap, North Cotabato/ July 31, 2014)
---Kinondina ng PPalma Presscorps,Kapisanan ng mga brodkaster ng Pilipinas
(KBP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)North Cotabato
at Kidapawan City Chapter ang panghaharas ng isang kawani ng gobyerno sa isang
Mamamahayag sa bayan ng Midsayap North Cotabato.
Sinabi ni Arnel Guerero na pumasok sa
himpilan si Ever Dalida head ng ticketing Unit ng LGU Midsayap sa mga
pampasaherong sasakyan ng pumapasok sa bayan.
Imbes na magtanong ay dinuro ang Mamamahayag
at pinagalitan dahil mali raw ang balita nito hinggil sa weather update. Ayon
kay Dalida nabasa raw ang kanyang binilad na palay dahil umambon. Nagkasagutan
sina Dalida at Guerero kung saan muntik na itong magsuntukan.
Ang weather Equipment ng Weather Philippines
ng Aboitiz Company ay nilagay sa Municipal Rooptop sa bayan ng Midsayap. Ngunit
sa ginawang Imbestigasyon ng PPalma Presscorps walang ginawang mali si Guerero
dahil binasa lamang nito ang weather update mula sa website ng Weather
Philippines ng Aboitiz Company na walang ulan o no rain.
Dahil rito,sinabi ni Garry Fuerzas ang
Presidente ng PPalma Pressorps at Vice-Chairman ng National Union of the
Journalists of the Phils,North Cotabato at Kidapawan City Chapter at Leo
Varron,KBP Board of Director na kailangang Magpublic Apology si Dalida dahil
lapastangan ang kanyang ginawa sa karapatan ng mga Mamamahayag o Press Freedom.
Hiniling rin ni Fuerzas kay Midsayap Mayor
Romeo Araňa na disiplinahin si Dalida.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento