Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SUA ni USM Pres. Garcia, inilipat sa Agosto 6

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Inilipat ang schedule ng gagawing State of the University Address ni University of Southern Mindanao USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa Agosto a-6 araw ng Miyerkules sa susunod na linggo sa USM Ground ala 7:00 ng umaga.

Ito ayon sa USM Board Secretary dahil sa may mahalagang pagpupulong ang Pangulo sa Commission on Higher Education o CHED.

Samantala, una na ring sinabi ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torre na pirmado ni Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na walang binago sa venue at oras maliban lamang sa nalipat ito sa Miyerkules August 6 mula sa dati nitong schedule na August 5.

Kaugnay nito suspendido ang klase sa umaga para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, guro at lahat ng mga kawani ng USM na makadalo sa nasabing programa.

Dito ihahayag ng Pangulo ang mga nagawa nito sa four fold functions ng USM sa instruction, Research, Extension at Resource Generation kasama na rin dito ang direksiyon ng Pamantasan sa kanyang pamumuno.

Ang state of the University Address ni USM Pres. Dr. Francisco Garcia ay mapapakinggan sa DXVL Radyo ng Bayan ng live sa araw ng Miyerkules.

Magandang balita sa mga nangangailangan ng trabaho, ang University of Southern Mindanao ay nangangailangan ngayon ng dagdag na kawani para mapunan ang mga sumusunod na bakanteng posisyon.

Executive Assistant III na may Salary Grade 20, Engineer II SG-16, Laboratory Aide II SG-4, Statistician Aide SG-4, Farm Worker I SG-2 lahat ay sa USM Main campus at Watchman 1 SG-2 na madedestino sa USM-KCC.

Para sa mga interesadong aplikante, magpasa lamang ng inyung mga Application Letter at mga credentials sa Office of the President, USM, KAbacan.


Ang interview naman ay gagawin sa August 7, 2014 alas 7:00 ng umaga sa boardroom, Administration Building. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento