(Amas, Kidapawan City/ July 28, 2014) ---Pasok
na sa initial evaluation ng Galing Pook Awards ang Summer Kids Peace Camp o
SKPC na official entry ng Cotabato Provincial Government sa 2014 Galing Pook
Awards.
Kabilang ang SKPC sa 27 entries na pumasa sa
initial evaluation mula sa kabuuang 96 na mga entries ng iba’t-ibang local
government units sa buong bansa.
Kamakalawa ay sumailalim sa evaluation ng
Galing Pook Awards Evaluators ang SKPC kung saan sumagot sa mga katanungan si
Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at ang Technical Working Group ng
SKPC.
Kabilang naman sa mga evaluators ng Galing
Pook Awards 2014 ay sina Dr. Maria Teresa Samonte ng Commission on Higher
Education (CHED) Central Office, Manila, Dr. Larry Caminero –Provincial
Councilors League at Christine Beltran ng Dept. of Interior and Local
Government (DILG) Head Office.
Ang SKPC ay isang programang nilikha ni Gov.
Taliño-Mendoza na naglalayong maging instrumento ng kapayapaan ang mga batang
mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng
pagkakaunawaan, respeto at paggalang sa paniniwala, relihiyon, kultura at
tradisyon ng bawat isa.
Mga Grade 5 pupils ang tampok sa SKPC
program kung saan maliban sa peace initiatives, ay tinuturuan din ang mga
partisipante ng iba pang kaalaman na makatutulong sa kanilang paglaki bilang mabuting
mamamayan. Kabilang rito ang basic life saving, fire prevention and safety,
disaster awareness and preparedness at maraming iba pa.
Ang Galing Pook Awards ay isang paraan ng
Dept. of Interior and Local Government o DILG upang bigyan ng parangal o recognition
ang mga kapaki-pakinabang na proyekto at programa ng mga local government units
na nagdudulot ng ibayong tulong at pagbabago sa komunidad.
Samantala, mula sa bilang na 27 entries ay
pipili na naman ang mga evaluators ng top 10 bilang mga finalists sa gagawing
final evaluation at selection na gagawin sa Metro manila sa August 15, 2014.
(JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento