Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kumakain ng "arroz caldo", itinumba ng tandem

(North Cotabato/ July 29, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa pamatay ang isang lalaki habang kumakain ng “arroz caldo” sa harap ng Marbel City Ride Terminal, Koronadal city, South Cotabato alas 2:15 ng madaling araw kanina.

Kinilala PO3 Joey Pinongcos ng investigation section ng Koronadal City PNP ang nasawing biktima na si Hadji Fajanilbo Arka alyas Udap, 31 anyos, at residente ng Casa Subdivision, Block 1, Brgy Zon, siyudad ng Koronadal.

Sa inisyal na pagsisiyasat na kumakain ng arroz caldo ang biktima nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo, bumaba ang mga ito at binaril ang biktima.

Napag-alaman na 11 tama ng bala ang natamo ng biktima, 5 sa ulo at 6 sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Sa ngayon, sarado ang ilang bahagi ng Gensan Drive at pinapayuhan ang mga motorista na mag-detour upang hindi maantala ang biyahe ng mga ito habang kinordon naman ng otoridad ang pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang motibo ng pagbaril-patay sa biktima. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento