Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga karapatan tiyak ng kasambahay, ipinaliwanag ng DOLE XII

(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015) ---Tiyak nang matatamasa ng mga kasambahay ang kanilang mga karapatan, alinsunod sa ipinatupad na Kasambahay Law.

Ang Batas Kasambahay o Kasambahay Law, RA 10361 ay naipatupad noong ika-4 ng Hunyo,2013.

Malaking pag-usad ito dahil sa tinagal- tagal ng panahon at sa dami ng mga taong naghahanap- buhay bilang kasambahay, ngayon lang naisabatas ang mga karapatan ng isang kasambahay at ng kanilang amo.

Lalaki, huli sa pagdadala ng di lisensiyadong baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 18, 2015) ---Kasong illegal possession of firearms ang kakaharapin ng isang 19-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng baril sa panulukan ng Rizal St. at Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 11:40 ng umaga kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa DXVL News kinilala ang suspek na si Omar Andug, 19-anyos, residente ng brgy. Marbel, Matalam, Cotabato.

Klase sa Ugalingan Elementary school apektado parin matapos ang insidenteng pamamaril sa Punong Barangay

(Carmen, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Halos 2 linggo ng walang pasok sa mababang paaralang Elementarya ng Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay PSI Basilio Parcon, ang OIC Chief of Police ng Carmen PNP matapos ang karumaldumal na pamamaril patay sa  Punong Barangay na si Eleazar Pilapil noon pang Enero a-6 ng taong kasulukuyan .

LGU Kabacan hinikayat ang mga Businessmen na magpa-renew ng kanilang business permit bago ang deadline

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Hinikayat ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang mga negosyante sa bayan na mag-renew na ng kanilang business permit bago ang nakatakdang deadline sa Pebrero a-7.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Municipal Administrator Ben Guzman upang maiwasan ang mahabang pila at penalidad sa pagkuha ng permit.

Planung pagpapalawig ng 2 taon sa pagkuha ng prangkisa ng mga miyembro ng KULTODA, pinag-aaralan pa ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Pinag-aaralan pa ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang petisyong inihain ng grupo ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers Association KULTODA hinggil sa pagpapalawig ng dalawang taon ang pagkuha at pag-rerenew ng permit.

Ito ayon kay Committee on Transportation and Communication Councilor Herlo Guzman Sr., sa panayam ng DXVL News.

Lola, utas sa Killer Bus!

(North Cotabato/ January 17, 2015) ---Patay on the spot ang isang 76-anyos na lola habang dalawang iba pa ang binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital makaraang madisgrasya ang isang Weena Bus sa kurbadang daanan ng Brgy. Pagangan, Aleosan, North Cotabato, pasado alas-10:35 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Jorlito Patrona, Deputy Chief ng Aleosan PNP kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Clarita Sereño, 76-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Midsayap; Danilo Daniel, conductor ng Weena, Carmen, North Cotabato at isang pitong buwang sanggol na si Regine Earl Ong Samson na residente ng bayan ng Mlang.

Pagdating ng Santo Papa sa bansa, tinawag na isang prebilihiyo ng miyembro ng Oblates of Notre Dame ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2015) ---Isang napakalaking prebilihiyo para sa mamamayang Pilipino ang pagdating ng Santo Papa sa bansang Pilipinas.

Ito ayon kay Notre Dame of Kabacan Directress Sister Rose Salazar, OND sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mga kursong matagal ng walang enrollee, planung ipapa-dissolved ng pamunuan ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2015) ---Upang hindi na maapektuhan ang Performance Based Accomplishment ng University of Southern Mindanao, planu ngayon ng pamunuan ng USM na ipasara ang mga programs na limang taon at mahigit na walang enrollees.

Ito ang sinabi ni USM Pres. Francisco Gil N. Garcia sa kanyang lingguhang programa na Unibersidad Serbisyo at Mamamayan sa DXVL tuwing Sabado alas 6:00-hanganggang alas 7:00 ng umaga.

“Ayusin ang problema sa personal na buhay at sa trabaho” –Supt. Obas

(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2015) ---Mariing kinondena ng Department of Education o DepEd Cotabato Division ang pagpaslang kamakalawa sa guro na si Marato Ampatuan ng Datu Sundangan Elementary School sa bayan ng Pres. Roxas North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas kinokondena nila ang pangyayaring pagpaslang sa kapwa guro at pinapaubaya umano ang imbestigasyon sa kapulisan.

Grupo na may kinalaman sa pagpapasabog sa bayan ng Pikit, hindi parin matukoy ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 16, 2015) ---Hindi parin matukoy ng Task Force ng Pikit kung sino ang may kinalaman sa pagpapasabog sa bayan ng Pikit.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay Task Force Pikit Commander Poloce Supt. Jordine Maribojo.

Celebrities tampok sa iba’t- ibang aktibidad ng Halad Festival 2015

By: Roderick Rivera Bautista
January 15, 2015

(Midsayap, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Star- studded ang pagdiriwang ng Halad sa Sr. Sto. Niňo Festival ngayong taon dahil sa mga bituing panauhin sa iba’t- ibang aktibidad.

Magpapakitang gilas ang Star Magic talent na Matt Evans at modelong si Jordan Herrera sa Halad Diamond Jubilee Motocross na gagawin sa Midsayap Pilot Central Elementary School Grounds sa January 17 at 18.

Bilang ng mga nagrenew ng Business Permits sa Kabacan sa isang linggo, nasa 12% pa lamang

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Nasa humigit kumulang 100 o 12% pa lamang ang naitalang nakakarenew ng kanilang Business Permits sa kasasagsagan ng Business One Stop Shop o Boss ditto sa bayan ng Kabacan mula noong Enero a-7 hanggang kahapon.

Ayon kay LGU Kabacan, Administrative Officer Cecilia Facurib, nasa humigit kumulang 800 daang establisyemento ang nakatakdang magrerenew ngayong taon.

Isa, patay matapos tamaan ng Dengue sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Isa ang naitalang patay dahil sa dengue sa huling Quarter ng taong 2014 sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Epidemiology Surveillance Unit Disease Surveilance Coordinator Honey Joy Cabellon, ang biktima ay galing sa Brgy. Poblacion ng bayan.

Ayon sa kanilang datus, nagkaroon ng 16 na kaso ng Dengue ang naitala sa 4th Quarter mas mababa sa nakaraang 3rd Quarter na meroong 27.

Ika 17 Anibersaryo ng Lungsod ng Kidapawan, pinaghahandaan na

(Kidapawan City/ January 15, 2015) ---Nagpatawag ng Preliminary Press Conference ang LGU Kidapawan Tourism Office bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa paparating na ika-17 taong Foundation Anniversary sa susunod na buwan ng Pebrero taong 2015, alas 11:00 ng umaga kahapon.
 
Ayon Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, magiging libre ang lahat ng events sa nasabing aktibidad, highlights din sa pagdiriwang na ito ang ibat-ibang aktibidad ng magsusulong ng turismo sa nasabing lungsod kagaya ng presentasyon ng ibat-ibang

BBL magiging basehan sa pagtatatag ng bagong Bagong political Entity na papalit sa ARMM

(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2015) --- Umaasa ngayon ang pamunuan ng GPH-MILF na magiging maayos ang gagawing transition sa pagpapalit ng bagong Bangsamoro Political entity.

Ito sakaling maplantsa na ng maayos ang draft ng Bangsamoro Basic Law.

Family feud o rido sinusundang anggulo sa pagpaslang sa guro ng President Roxas

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pres. Roxas PNP upang alamin kung anu ang motibo sa pagbaril patay sa isang guro sa Pres. Roxas, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PSI Rommy Castañares hepe ng Pres. Roxas PNP family fued o rido ng pamilya ang isa sa sinusundang anggulo ng kanilang imbestigasyon hinggil sa pagpaslang sa kinilalang biktima na si Marato Ampatuan, isang guro sa liblib na paaralan sa Datu Sundangan Elementary School sa nasabing lugar.

Mga kapulisan blangko pa sa Motibo sa Pagsabog ng granada sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad kung anu ang sanhi ng pagsabog ng granada sa bayan ng Carmen, North cotabato kamalawa ng gabi.

Ayon kay PSI Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP kinilala nito ang biktima na si Melanie Marcelino,43-anyos, dalaga at residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion Carmen, Cotabato.

Ilang mga taga-Kabacan, samu’t-sari ang reaksiyon kaugnay sa pagdating ng Santo Papa sa Pilipinas

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Iba-iba ang pananaw ng taong bayan sa Kabacan hinggil sa pagdating ng Santo Papa ngayong araw.

Sa ginawang pagkuha ng boses ng bayan ng DXVL, may mga nagsasabi na positibo ang dulot ng pagdating ng pinakamataas na opisyal ng simbahang katolika samantala ang iba naman ay hindi naman umano mabago ang estado ng kanilang buhay kahit pa man bibisita ang papa sa bansa.

Malaki namang pagbabago para sa mga debotong katoliko ang pagpunta ni Pope Francis sa Pilipinas dahil lalo pang mapatindi ang kanilang pananampalataya.

GPH-MILF Peace Panel seryosong ipatutupad ang BBL, mamamayan hinimok na tumulong sa paghahanap ng kapayapaan

AMAS, Kidapawan City (Jan 15) – Gagawin ng Government of the Republic of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front o GPH-MILF Peace Panel ang lahat ng makakaya nito upang maisakatuparan ang layunin ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Atty. Al Jukipli, miyembro ng Legal Team ng GPH-MILF, seryoso ang kapwa panig na maipatupad ng nilalaman ng BBL bilang basehan o gabay ng proposed Bangsamoro Government.

Nagsalita si Atty. Jukipli sa harap ng iba’t-ibang sektor sa ginanap na Information Education Campaign o IEC on the BBL sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City kamakalawa.

Pikit, North Cotabato; muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:45 kagabi.

Sa ulat ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo na nangyari ang pagsabog sa gilid ng provincial road mula sa brgy. Ladtingan papuntang Poblacion.

Lalaki, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Patay na nang madatnan ng mga otoridad ang isang di pa nakikilalang lalaki malapit sa Tarbong River, block 19, ND village, Barangay Rosary Heigths 8, Cotabato City ala nuebe kinse ng umaga kahapon.

Inilarawan ni Police Station 2 commander Sr. Ins. Reynaldo Delantin ang biktima na nasa 25-30 taong gulang, 5'5 ang height naka suot ng t-shirt na LEE at pambaba na kulay brown at dark blue.

Grupong “Kalivungan” ng Alamada, Cot sisikaping makuha ang kampeonato sa Sinulog

AMAS, Kidapawan City (Jan 14) – Tumulak na kahapon patungong Cebu ang grupong “Kalivungan” ng Alamada National High School para sumabak sa Sinulog Festival ng  Cebu City sa January 17-18, 2015.

Abot sa 225 na mga dancers ang bumubuo ng grupong Kalivungan at sakay ang mga ito ng mga bus patungong Cebu City kasama ang support group mula sa DepEd Cot, Alamada LGU at Provincial Government of Cot.

Ayon kay Josephine Abellana, Head ng Public Affairs And Tourism Sports Development Division o PAATSDD na nasa ilalim ng Provincial Governor’s Office na matapos ang mahaba-habang pagsasanay ng grupong “Kalivungan” ay handa na ito sa isa sa pinakamalaking pagdiriwang sa bansa.

Cot PDRRMOC palalakasin pa ngayong taon

AMAS, Kidapawan City (Jan 14) – Palalakasin pa ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction Management Operation Center o PDRRMOC ang kanilang hanay ngayong 2015.

Ayon kay Cot PDRRMOC Action Officer Cynthia Ortega, ito ay upang lalong maging handa at epektibo sa emergency response ang kanilang hanay partikular ang North Cotabato Emergency Response Team (NCERT) na siyang pangunahing search and rescue group ng PDRRMOC.

Bagong version ng BBL posibleng mailalabas sa Marso

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Kasalukuyan pa ring nakasalang sa kongreso at senado ang Bangsamoro Basic Law o BBL draft ayon kay Atty. Al Jukipli ang legal team ng panel.

Inihayag ni Jukipli sa BBL forum na ginanap sa Amas Provincial Capitol rooftop na may mga consultation pa at public hearing na naka schedule sa kongreso at senado at posibleng sa Marso pa mailalabas ang approved enrolled version ng BBL na maari nang lagdaan.

Ipinaliwanag din ni Jukipli na ang mga ipinamamahagi at tinatalakay na BBL ay hindi pa ang final form nito at maari pang mabago. 

Opisyal ng SP, ikinadismaya ang mga planung pamomomba sa lalawigan

BM Kelly Antao
(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Nagbigay ng pahayag si Board Member Kelly Antao bilang chairman ng committee on peace and order sa lalawigan ng North Cotabato hinggil sa sunod sunod na pagkakarekober ng improvised explosive device o IED sa lalawigan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Antao ang kalungkutan sa kagagawan ng rebolusyunaryong grupo. 

Tulak droga, utas sa shootout!

(Pikit, North Cotabato/ January 14, 2015) ---Napaslang ang isang 32-anyos na lalaki na sinasabing tulak droga matapos na manlaban sa mga otoridad sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato alas 2:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo, ang suspek na napatay na si Misuari Mulod, 32-anyos at residente ng brgy. Lagundi ng nasabing bayan.

Titser, inutas ng tandem sa eskwelahan

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patay on the spot ang isang elementary teacher makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa loob ng silid-aralan nito sa Datu Sundangan Elementary School, Pres. Roxas, North Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Rommy Castañares, hepe ng Pres. Roxas PNP ang biktima na si Marato Ampatuan, 49-anyos, may asawa, teacher 1 residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao habang sugatan naman ang isa pang grade 5 pupil na si Josephine

Granada sumabog sa isang residential house sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2015) ---Sugatan ang isang 43-anyos na babae makaraang masabugan ng granada ang kanilang residential house sa Purok 7, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 7:15 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga sa Carmen PNP kinilala ang biktima na si Melanie Marcelino, 43-anyos residente ng nasabing lugar.

Hindi pa mabatid ng Carmen PNP kung inihagis ang granada sa bahay ng Marcelino kungsaan nag-iis lamang sa kanilang bahay ang biktima ng mangyari ang insidente.

Transmission line ng NGCP, pinasabugan!

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Pagalungan, Maguindanao alas 8:45 kagabi.

Sa report, ang nasabing pinabagsak na tore ay ang tower 26 ng NGCP sa Brgy. Galakit na nagdulot naman ng malawaking brownout sa central Mindanao.

Wala pang grupo o indibidwal na umako sa pagpapasabog subalit napag-alaman na maraming grupo ng mga rebelde ang kumikilos sa nasabing lugar.

Iba’t- ibang grupo lalahok sa 2015 Halad Festival street dancing and showdown

By: Roderick Rivera Bautista
January 13, 2014

Iba’t- ibang grupo ang maglalaban sa dalawang kategorya ng 2015 Halad Indakan Sa Kadalan street dancing competition and showdown na idadaos ngayong darating na January 17, Sabado.

Labintatlong grupo ang magtatagisan ng galing sa local category.

Ang nabanggit na bilang ng mga kalahok ay binubuo ng mga GKK communities ng Archdiocesan Shrine of Sr. Sto. Niňo, academic institutions at iba pang civil society organizations dito sa bayan.

Resulta ng imbestigasyon sa Treasurer’s Robbery posibleng mailalabas na sa susunod na linggo

(Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Hanggang sa kasalukuyan wala pa ring inilalabas na resulta ng finger prints ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO hinggil sa panloloob at panraransak sa Kabacan Treasurer’s Office.

Ayon kay PCI Ernor Melgarejo aabutin pa ng isa o dalawang linggo bago mailabas ang resulta ng imbestigasyon.

Outcome Base Education o OBE, nakatakdang talakayin bukas para lalo pang mapa-angat ang kalidad ng edukasyon sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Planu ngayon ng pamunuan ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na repasuhin ang ilang mga curriculum upang ma-i-angkop ito sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa Unibersidad.

Ilan lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ni USM Pres. Francisco Gil N. Garcia para lalo pang mapa-angat ang kalidad ng edukasyon sa USM.


Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang program sa DXVL ang Unibersidad Serbisyo at Mamamayan o USM na mapapakinggan tuwing Sabado alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng umaga.

Bangsamoro Basic Law o BBL forum gaganapin ngayong araw sa Amas Provincial Capitol

(Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Gaganapin ngayong araw ang Bangsamoro Basic Law o BBL forum sa rooftop ng Provincial Capitol Amas, Kidapawan City.

Sa panayam ng DXVL news kay Board Member Kelly Antao, chairman on committee in peace and order inihayag nito ang mga dadalo sa naturang BBL forum.

Family feud o rido sinusundang motibo sa ‘grenade blast’ sa compound ng Purok President sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 13, 2015) ---Pinaniniwalaang family feud o rido ang isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa panghahagis ng granada sa compound ng Purok President sa Plang, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang sinabi ni PCI Ernor Melgarejo hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news hinggil sa pagpapasabog ng granada sa bahay ni Jun Moreno  alas kwatro y medya ng umaga kahapon.

Magsasaka, kinatay ng kabaro

(North Cotabato/ January 13, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kapwa nito magsasaka sa Sitio Basak, Brgy. Baguer, Libungan North Cotabato alas 7:30 ng kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Libungan PNP ang biktima na si Dione Octavio Nocillas, 38 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Nag-amok sa Palengke, utas sa Shootout!

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Hindi nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang lalaki matapos mabaril nang manlaban ito sa mga otoridad sa Demacompas Street, Poblacion 2, Parang, Maguindanao pasado alas sais ng umaga kahapon.

Kinilala ni Parang PNP OIC Supt. Seigfredo Ramos Jr. ang nasawi suspek na si Pogie Macatanong residente rin nang nabanggit na lugar.

Nakatanggap ng report ang PNP buhat sa isang concern citizen na may nag aamok sa palengke ng nabanggit na lugar at nagpapaputok ng baril.

Comprehensive Drainage System ng Bayan ng Kabacan, sinisimulan na!

Photo by: Crispin Tuscano Jr. of DXVL News
(Kabacan, North Cotabato/ January 12, 2014) ---Kasalukuyan ngayong nagpapatuloy ang paglilinis ng lahat ng kanal sa Brgy. Pob sa bayan ng Kabacan bilang unang bahagi ng Comprehensive Drainage Sytem Plan ng Bayan.
Ayon kay LGU Kabacan Municipal Engr. Noel Agor, pinaplantsa na nila ang mga hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng planong ito.

Sinagot naman ng opisyal ang reklamo ng mga residente tungkol sa nakatambak na mga lupa at buhangin na may mga basur at mga kangkong sa gilid ng kanal na galling sa kanilang paglilinis sa Matalam St. Brgy Pob.

Dengue Outbreak sa Maguindanao; pinabulaanan ng IPHO

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Kinumpirma ng pamunuan ng Integrated Provincial Health Office o IPHO Maguindanao na walang Dengue outbreak sa Maguindanao.
Sinabi ni IPHO-Maguindanao chief Dr. Tahir Sulaik na walang basehan para sabihing laganap ang sakit na Dengue lalo pa at hindi pa naman nangangahalati ang unang buwan ngayong taon.

Umento sa sahod ng mga Contract of Service na Faculty ng USM, inilarga na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Inihayag ni USM President Francisco Gil N. Garcia ang pagkakaroon ng improvement sa instruction sa Pamantasan.

Pangunahin na dito ang pagtaas ng rate ng mga USM faculty members na kung dati ay P10,000 kada buwan lamang mula noong taong 2008 ay naitaas na ito sa P13,000 kada buwan.

IED, narekober malapit sa bahay ng Alkalde

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Muling nasilat ang tangkang pagpapasabog sa bayan ng Midsayap makaraang marekober ang itinanim na Improvised Explosive device o IED sa hangganan ng barangay Poblacion 7 at Central Glad.
Sa report ng Midsayap PNP, pasado alas otso kagabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkakatagpo ng kahina hinalang bagay na pinaniniwalaan nilang bomba.

Cotabato City, ginulantang ng pagsabog!

(North Cotabato/ January 12, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa panibago na namang pagpapasabog sa Cotabato City, pasado alas 9:00 kagabi.
Batay sa ulat ng mga pulisya, pinasabugan ang bahagi ng Gonzalo St. sa kanto ng Ugalingan St. Rosary Heights 7, ng lungsod kungsaan nagmula ang pampasabog sa M-203 grenade launcher base sa narekober na splinters.

Compound ng isang Purok President sa Kabacan, pinasabugan!

Photo: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ January 12, 2015) ---Hinagisan ng di pamapatid na pampasabog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang compound ng isang Purok President sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kanina.
Sa interbyu sa DXVL News kay Kapitan Mike Remulta na wala namang may nasugatan o nasawi sa nasabing pampasabog sa compound ni Jun Moreno.

Suspek na bumaril sa Principal, utas sa shootout!

(Pikit, North Cotabato/ January 12, 2015) ---Patay ang suspek na sinasabing responsable sa pagbaril sa isang principal sa Poblacion, Pikit, North Cotabato alas 12:10 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo ang biktima na si Robin Alamada, Principal ng Pagagawan Elementary School sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.

Mga Programang pang Imprastraktura ng LGU Kabacan para sa 1st Quarter ng taong 2015, Binabalangkas

(Kabacan, North Cotabato/ January 12, 2015) ---Inaasahan nang maiimplementa ang mga nakahilirang programang pang imprastaktura ng LGU Kabacan Engineering Office sa bayan sa 1st  quarter ngayong taon.

Ayon kay LGU Kabacan Municipal Engineer Noel Agor sa panayam ng DXVL News, ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod.

Extension ng Covered Court at Concreting of Roads sa bahagi ng bahay ni Brgy. Kapitan Manuel sa brgy. Kilagasan.