(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2015)
---Mariing kinondena ng Department of Education o DepEd Cotabato Division ang
pagpaslang kamakalawa sa guro na si Marato Ampatuan ng Datu Sundangan
Elementary School sa bayan ng Pres. Roxas North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Schools Division
Superintendent Omar Obas kinokondena nila ang pangyayaring pagpaslang sa kapwa
guro at pinapaubaya umano ang imbestigasyon sa kapulisan.
Inihayag din ni Obas na nagpa abot na sila
ng tulong sa pamilya ng naulilang guro at bumisita sa bahay ng biktima.
Una rito, nagpaaalala din ang Schools
Division Supt. sa DXVL Radyo ng Bayan sa mga guro sa lalawigan na sikaping gawing balanse ang pagharap
sa mga problema sa personal na buhay at trabaho.
Sinabi ito ni Obas upang hindi na maulit ang
pagbaril at pagpatay kay Ampatuan.
Hinimok din ng opisyal ang mga principal at
teacher in charge na higpitan pa ang seguridad sa kanilang paaralan.
Aniya, ito ay para hindi basta basta
makakapasok sa school campus ang mga may masasamang loob. Maaalalang madaling
nakapasok sa Datu Sundungan elementary school ang mga suspek sa pagbaril kay Ampatuan.
Mahalaga aniya na manatilihing child
friendly ang mga eskwelahan sa lalawigan upang hindi masira ang focus ng mga
estudyante sa kanilang pag aaral. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento