Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng Dengue sa Kabacan, bumaba nitong nakalipas na buwan; mga nagkakasakit ng STI, dumarami

(Kabacan, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Malaking porsiento ang ibinaba ng kaso ng dengue nitong nakalipas na buwan kung ikukumpara noong buwan ng Pebrero.

Ito ang napag-alaman sa pinakahuling report na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Napag-alaman na nakapagtala na lamang ng dalawang kaso ng dengue ang kanilang tanggapan buhat sa iba’t-ibang mga health center ng bayan at ospital.

Drayber ng motorsiklo, patay; 1 pa sugatan sa aksidente sa Highway ng Antipas, NCot

(Antipas, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang lalaki makaraang masangkot ang minamaneho nitong motorsiklo sa aksidente partikular sa Dalapuan crake, brgy. Kiyaab Antipas North Cotabato alas 6:15 kagabi.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Jun jun Ynon, residente ng Brgy. Binay, Magpet North Cotabato habang sugatan naman ang angkas nitong si Rogen Hovelo Gallo, 30 anyos, may asawa at residente sa Brgy. Lamian, Surallah South Cotabato.

Mga establisiemento na nagbebenta ng mga produktong sub standard, sinampulan ng DTI North Cotabato

(Kidapawan city/ April 4, 2014) ---Pinagmulta ng Department of Trade and Industry o DTI North Cotabato ang dalawang mga establishemento sa Lungsod ng Kidapawan na nagbebenta ng mga produktong pang hardware at mga construction supply na hindi standard.

Ayon kay Cornelio Quijano Staff ng DTI North Cotabato, ang dalawang establishemento  na City One Hardware at San-K Hardware ay pinagmulta ng aabot sa 17, 500 peso na kong saan ay nakuhaan ng  humigit kumulang ng 160 na bilang na mga substandard equal – length angle bar.

Mga tax payers, hinimok na magbayad ng buwis bago ang April 15

(Kidapawan City/ April 4, 2014) ---Muling hinimok ng Bureau of Internal Revenue o BIR District 108 sa Kidapawan City ang mga tax payers na magbayad na ng buwis.

Ayon sa BIR District 108, mahalagang magbayad ng buwis bago ang deadline sa April 15 upang maiwasan ang hassle at multa.

Barangay Council sa Kidapawan city, humuhiling na ibalik ang curfew hours sa kanilang lugar

(Kidapawan city/ April 4, 2014) ---Kung si Brgy. Macebolig Kapitan Daniel Paman ng Kidapawan city ang tatanungin, nais nitong iabalik ang ipinapatupad na curfew hours sa kanilang lugar.

Ito kahit pa man walang naitalang kriminalidad sa kanilang barangay nais nitong matiyak ang seguridad ng kanyang nasasakupan.

Mayor at Vice Mayor ng Midsayap, North Cotabato; sinuspende!

(Midsayap, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Binakante na ng alkalde at bise alkalde ng bayan ng Midsayap, Cotabato ang kanilang posisyon makaraang patawan ng suspension dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Umalis sa kanilang puwesto sina Mayor Romeo Araña at Vice mayor Albert Garduque makaraang ipinalabas ng provincial government ng Cotabato ang 30-days preventive suspension laban sa kanila.

11-anyos na bata, sugatan sa nangyaring straffing incident sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa isang ospital dito sa bayan ng Kabacan ang isang 11-anyos na bata makaraang matamaan ng di pa matukoy na uri ng armas sa nangyaring straffing incident sa Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato alas 7:45 kagabi.

Ayon sa report ng Carmen PNP pinaulanan ng bala ng mga di pa matukoy na mga suspek ang pamamahay ni Mokaher Kagui gamit ang mga di pa malamang high powered caliber.

USM may P43M na allocation para sa pagpapa-angat ng de kalidad na edukasyon

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Isa ang University of Southern Mindanao sa mga pamantasan na nabigyan ng malaking pondo ng Commission on Higher Education o CHED para sa Scholarship ngayong taon.

Ito ang inihayag sa DXVL News ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia matapos na kumpirmahin na may P43-Milyong alokasyong budget ang Pamantasan.

Pagtutumbok sa mga responsableng tao o grupo sa panununog sa USMARC admin Building, ipinauubaya na sa mga pulis –Pres. Garcia

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Matapos ang masusing pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na sinadya ang pagkakasunog sa administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center nitong madaling araw ng Pebrero a-26.

Ito batay na rin sa mga ebedensiyang nakalap at iprenisinta kay USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

Ilang Kawani ng NABCOR sa Kabacan, umaasang maibalik ang serbisyo ng ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy na nananawagan sa Pamahalaang Nasyunal ang ilang mga empleyado ng National Agri Business Corporation o NABCOR sa Kabacan na maibalik ang serbisyo ng nasabing ahensiya.

Ito ang idinadaing ng dating kawani na si Roel Ignacio, residente ng Barangay Osias, Kabacan na nawalan ng trabaho makaraang ipinasara at pinahinto ang operasyon ng NABCOR nito pang Disyembre ng nakaraang taon.

2 lola, 3 mga preso nagtapos ng elementarya, hayskul sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ April 3, 2014) ---Pinatunayan ni Lola Ramona Abaratigue, konsehal ng Barangay Ginatilan sa Kidapawan City, na hindi hadlang ang edad sa pagkakamit ng diploma.

Si Lola Ramona ay edad 72 nang magtapos sa hayskul sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education (DepEd) sa Kidapawan City.

NPAs nakakulekta ng P42M na revolutionary taxes sa N Cotabato

(Kidapawan city/ April 3, 2014) ---Abot sa P42 million ang umano nakulektang revolutionary taxes ng New Peoples’ Army o NPA sa mga negosyante, pulitiko, at mga residente mula sa ikalawang distrito ng lalawigan ng North Cotabato.

Mismong si Lt Col Noli Vinluan, ang commander ng 57th IB, ang nagbunyag nito sa Peace and Order Council meeting ng Kidapawan City na ginanap nito’ng Biyernes.

Mahigit 3 libung Kabakeños, walang trabaho –ayon sa survey

(Matalam, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Lumalabas sa survey na isinagawa ng tanggapan ng Public Employment and Services Office o PESO na abot sa mahigit sa tatlong libung mga Kabakeños ang walang trabaho.

Ito ayon kay PESO designate Officer George Graza batay sa survey na kanilang isinagawa nitong nakaraang taon.

Magsasaka, pinatay at tinangay pa ang motorsiklo sa Carmen, NCot

(Carmen, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Agaw motorsiklo ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga otoridad sa pagpaslang sa isang magsasaka ng mga di pa nakilalang suspek sa barangay Nasapian, Carmen, North Cotabato alas 9:30 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Obet Amozon, nasa tamang edad at residente ng Poblacion ng bayang ito.

52-anyos na ginang, patay; 2 pa sugatan sa banggaan ng Mitsubishi at tricycle sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 52-anyos na ginang habang  sugatan ang dalawa pa sa nangyaring banggan ng dalawang sasakyan sa harap ng Cotelco Main Office sa Manubuan, Matalam, Cotabato alas 3:05 kahapon ng hapon.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Mildred Cacananta, may asawa at residente ng nasabuing bayan.

Renewal ng prangkisa sa mga tricycle at tricycab hanggang ngayong buwan na lamang ang palugit

(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng tanggapan ng Franchising and Regulatory Board ng LGU Kabacan na hanggang sa huling araw na lamang ng buwan ng Abril ang palugit sa pagkuha ng prangkisa.

Ginawa ni Franchising Officer Atty. Joel Martin ang pahayag sa DXVL News kahapon.

5 dedo sa Karne ng Kabayo

(Sultan Kudarat/ April 1, 2014) ---Lima ang naiulat na nadale habang marami ngayon ang nagkakasakit dahil sa pagkain ng mga namatay na kabayo sa Sitio Pareño, Barangay Tinalon, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sinabi ng dating municipal councilor Gil Batilona sunod-sunod na binawian ang limang biktima mula pa noong nakaraang linggo.

Flash Report: Kidapawan City, niyanig ng 3.5 Magnitude na lindol

(Kidapawan City/ April 1, 2014) ---Niyanig ng Magnitude 3.5 na lindol ang Kidapawan city alas 10:30ngayong gabi lamang.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs may lalim na 31 kilomentro ang pinagmulan ng pagyanig.

Tectonic o nagkikiskisang bahagi ng faultline ang dahilan ng paglindol.

Korona ni Lastimosa nagpabago sa imahen ng Tulunan -- ayon kay Mayor Candolada

(Tulunan, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Namamayani sa puso ng mga taga-Tulunan ang ibayong tuwa matapos makuha ng kanilang kababayan na si Mary Jean Lastimosa ang korona bilang Bb Pilipinas-Universe.

Sinabi ni Tulunan Mayor Lani Candolada na binago ng korona ni Lastimosa ang imahen ng Kanilang bayan.

Exploration ng Geothermal sa bayan ng Magpet, North Cotabato; di pa nagsisimula –ayon sa Aboitiz Power Company

(Kidapawan city/ April 1, 2014) ---Inihayag ni Aboitiz Branding and Communication Manager for Mindanao Wilfredo Rodolfo na hindi pa nagsisimula ang geothermal exploration ng kanilang kompanya.

Sakaling magsisimula ito, magsasagawa muna sila ng consultation at pagpupulong sa mga stakeholders nito sa lugar, para maipaliwanag ang nasabing proyekto.

Pagkakasunog sa USMARC, intentional in nature –BFP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Malaki ang paniniwala ni Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon na intentional o sinadya ang pagkakasunog sa University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC administration building nitong madaling araw ng Pebrero a-26.

Ito ang ibinunyag kahapon ng opisyal sa DXVL News batay sa progress report na lumabas sa kanilang imbestigasyon.

Umano’y paggamit ng mga sundalo sa sibilyan bilang guide, paninira lamang ayon sa Militar

(Magpet, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Iginiit ni 57th IB Commanding Officer Lt. Col Nilo Vinluan na hindi gawain ng mga sundalo na gumamit ng sibilyan bilang guide sa kanilang military operations.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos lumabas ang dalawang sibilyan na taga Barangay Imamaling sa Magpet at binunyag na ginamit umano silang pain at guide ng mga sundalo.

Guro at principal tinambangan; 1 patay

(Midsayap, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Napaslang ang 36-anyos na guro sa elementary school habang sugatan naman ang kasama nitong principal matapos na tambangan ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Sitio Camansi, Barangay Central Glad sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ang napatay na si Romy Valenzuela, Grade lll teacher/adviser habang sugatan naman si Farida Campaniel na kapwa taga-Nes Elementary School sa nabanggit na bayan.

Mga taga-North Cotabato, nagbunyi sa pagkapanalo ni Mary Jean Lastimosa, bilang Miss-Universe Philippines 2014

(Tulunan, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Nagbubunyi ngayon ang mga taga-North Cotabato matapos na masungkit ni Binibining Pilipinas Universe Mary Jean Lastimosa ang korona sa katatapos na koronasyon ng pageant Night na Ginanapsa Araneta Coliseum sa lungsod ng Quezon.

Halos hindi magkamayaw ang mga kababayan ni Lastimosa dito sa lalawigan ng North cotabato matapos na tanghalin bilang bilang binibining Pilipinas Universe 2014 ang kandidata na tubong Sibsib, Tulunan, North Cotabato.

Sa production number pa lamang ay halos dumagungdong na ang buong Araneta Coliseum sa hiyawan ng mga fans ng mga kandidata.

Militar di pa rin nagbaba ng alerto sa kabila ng tapos na ang anibersaryo ng CPP-NPA-NDF; CAB, suportado!

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Iginiit ng militar na patuloy na naka-heightened alert ang tropa ng gobyerno tatlong araw matapos ang anibersaryo ng New People’s Army o NPA.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni 602nd Brigade Spokesperson Captain Antonio Bulao at tiniyak na naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang erya ng 602nd Brigade.

18-anyos na binata, arestado sa Droga

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na binata makaraang mahulihan ng illegal na droga sa Corner Mantawil St., at Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:50 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Franz Kenneth Dulay Araniego, single, out of School youth at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.

Cotabato province mapalad sa pagkakaroon ng mga mahuhusay na women leaders – ayon kay AMIN Party List Rep. Hataman

Written by: Jimmy Santacruz

(AMAS, Kidapawan City/ March 31, 2014)--- MAPALAD ang probinsiya ng Cotabato dahil sa pagkakaroon nito ng mga tapat at mahuhusay na babaeng lideres.

Ito ang sinabi ni Anak Mindanao o AMIN Party List Representative Sitti Djalia Turabin-Hataman sa kanyang pagbisita sa Provincial Capitol ng Cotabato bilang panauhing pandangal ng culmination activity ng International Women’s Month nitong Huwebes.

Alkalde nagpaabot ng pagbati sa mga nagsipagtapos

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Binati ni mayor Joselito Pinol ang mga magulang nang mga nagsisipagtapos sa ibat-ibang paaralan ng bayan kasabay ng paghamon sa mga ito na lalo pang pa-igtingin ang suporta sa kanilang mga anak sa pagpapatuloy nila sa kanilang pag aaral.

Maging ang mga nagtapos sa elementarya, high school at college ay binati din ng alkalde at tiniyak na magpapatuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa kanila sa pamamagitan ng mga scholarship programs.

Damo na Sampinit , pinagkakakitaan sa Dolores, Quezon Province

(Dolores, Quezon/March 31, 2014) ---Isang   damo  na  tinatawag na  Sampinit or Philippine Wild  Raspberry  ang unti-unti nang nakikilala  ngayon  dahil  ilang  mga produktong  nagagawa  gamit ang kanyang prutas at  dahon.

Sa  pagbisita  ng  ilang miyembro  ng  media ng  mula sa  SOCCSKSARGEN Region sa  Dolores, Quezon Province nitong nakalipas na linggo, ipinagmalaki ni  Dion  Pullan, may-ari ng  Bangkong  Kahoy  Village  sa paanan  ng Mt. Banahaw, na  pinagkakakitaan na nila  ngayon   ang Sampinit  na  dati  damo lamang  na nakakalat  sa  mga sakahan  at  mga nakatiwangwang  na lupa.

DA handang magsagawa ng cloud seeding kung kailangan

(Manila/ March 31, 2014) ---Sakaling  lumala  ang  tag-init,   handa ang Department  of Agriculture   na magsagawa  ng   cloud seeding, ayon  mismo kay  Agriculture  Secretary Proceso Alcala.

Sa  isang pulong kasama ang  ilang  miyembro  ng  media sa  SOCCSKSARGEN Region nitong nakalipas na linggo, kinumpirma ni  Secretary  Alcala  na  may  “standing order” na  siya  kay  Bureau of Soils and Water Management  (BSWN)  National Director  Silvino  Tejada  na  bantayang mabuti ang  epekto  ng tag-init  sa iba’t ibang  bahagi  ng  Pilipinas.

CAB, bigyan ng pagkakataon para sa mamamayan ng Mindanao –Gov. Lala Mendoza

Written by: Jimmy Santacruz

(Amas, Kidapawan city/ March 31, 2014) ---Nanawagan si Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga Mindanaoans na bigyan ng pagkakataon ang Comprehensive Agreement of the Bangsamoro na ipakita ang mabuting layunin nito para sa mamamayan ng Mindanao.

Ito ang inihayag ng gobernadora sa katatapos na pirmahan ng CAB sa Malacañang nitong Huwebes.