(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 3,
2014) ---Isa ang University of Southern Mindanao sa mga pamantasan na nabigyan
ng malaking pondo ng Commission on Higher Education o CHED para sa Scholarship
ngayong taon.
Ito ang inihayag sa DXVL News ni USM Pres.
Dr. Francisco Gil Garcia matapos na kumpirmahin na may P43-Milyong alokasyong
budget ang Pamantasan.
Sa kabila nito, aminado ang opisyal na hindi
lahat ng pangangailangan sa Pamantasan ay matutugunan at inaasahan nitong may
mga sektor na magiging diskuntento sa kanyang pamamalakad.
Sinabi pa ni President Garcia, na nakapokus
ito ngayon sa abot ng makakaya ng resources ng Pamantasan na makatulong sa
lahat ng sektor ng lipunan.
Samantala, inihayag naman ng Pangulo na may
ilang mga faculty members at non-teaching personnel na hindi pa nakapagsumite
ng kanilang performance evaluation nila dahilan para mabalam ang pagpapalabas
ng Productivity Incentive Bonus o PIB.
Nananawagan din si Dr. Garcia sa mga hindi
pa nakapag-file ng evaluation nila na pumunta na Human Resource Management
Office.
Tiniyak din nito na anumang araw may
mai-rerelease na ang kanilang PIB kung makapagsumite ang mga ito ng mga
kaukulang dokumento.
Nakahanda na rin ang clothing allowance ng
mga kawani ng USM matapos na malagdaan ng Pangulo ang tseke nitong nakaraang
araw. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento