Written by: Williamore Magbanua
(Mlang, North Cotabato/ March 31,
2014) ---Binati ni mayor Joselito Pinol ang mga magulang nang mga
nagsisipagtapos sa ibat-ibang paaralan ng bayan kasabay ng paghamon sa mga ito
na lalo pang pa-igtingin ang suporta sa kanilang mga anak sa pagpapatuloy nila
sa kanilang pag aaral.
Maging ang mga nagtapos sa elementarya,
high school at college ay binati din ng alkalde at tiniyak na magpapatuloy ang
lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa kanila sa pamamagitan ng mga
scholarship programs.
Ani Pinol sa ngayon mayroong 3000
scholarship grants ang Commission on Higher Education (CHED) Regional Office-12
na ibinigay sa bayan ng Mlang, liban pa sa mahigit 200 mga LGU scholars na
nag-aaral sa ibat-ibang mga kolehiyo ng bayan.
Samantala, hinamon naman ng alkalde
ang mga nagtapos sa kolehiyo na agad na maghanap ng trabaho para matulungan ang
kanilang mga pamilya.
Nagbigay pa ng tips ang alakalde sa
mga nais mag apply ng trabaho.
Ayon kay Pinol, dapat na presentable ang
pananamit, maayos ang pagkagawa nang application letter at higit sa lahat hindi
dapat namimili ng trabaho.
Pero kung talaga daw mailap ang
trabaho sa mga fresh graduates, payo ni Pinol mag negosyo upang kahit sa
ganyang paraan ay may kita sa araw-araw.
At sa mga papalarin naman na agad na
makahanap ng trabaho na may magandang suweldo, payo ni Pinol mag ipon para sa
kinabukasan dahil kapag may isinuksok may madali raw madukot sa oras ng
pangangailangan.
“Nagsimula ang malaki sa maliit Kaya
doon ninyo simulan ang mga pangarap ninyo sa buhay. Malay natin sa mga darating
na araw isa na kayo sa mga tinitingala at may sinasabi sa ating lipunan,”
Dagdag pa ng alkalde. Williamore
Magbanua\DXVL Radyo ng Bayan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento