(Kidapawan city/ April 4, 2014) ---Kung si Brgy.
Macebolig Kapitan Daniel Paman ng Kidapawan
city ang tatanungin, nais nitong iabalik ang ipinapatupad na curfew hours sa
kanilang lugar.
Ito kahit pa man walang naitalang kriminalidad
sa kanilang barangay nais nitong matiyak ang seguridad ng kanyang nasasakupan.
Sa ngayon balak na rin ng kanilang council
na ibalik ang nasabing ordinansa dahil na rin sa bakasyon at marami ang mga
kabataan sa Barangay Macebolig.
Nabatid na naipatupad na ang nasabing batas
noon pero nahinto ito, ayon sa opisyal.
Ito ngayon ang isa sa mga nais talakayan sa
konseho para lalo pang maging maayos at matiwasay ang kanilang lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento