(Matalam, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Lumalabas
sa survey na isinagawa ng tanggapan ng Public Employment and Services Office o
PESO na abot sa mahigit sa tatlong libung mga Kabakeños ang walang trabaho.
Ito ayon kay PESO designate Officer George
Graza batay sa survey na kanilang isinagawa nitong nakaraang taon.
Sinabi pa nito na karamihan sa mga walang
trabaho ay mga elementary at High School level dahil na rin sa mahigpit na
kompetisyon sa market na kapag mababa ang pinag-aralan ay mahirap makakuha ng
trabaho, ayon kay Graza.
Kaugnay nito, may programa ngayon ang
Department of Labor and Employment sa mga walang trabaho partikular na ang Out
of School Youth sa pamamagitan ng TESDA upang magsagawa ng livelihood training
sa mga ito.
Sa katunayan, aniya, may ibinigay na pondo
ang DOLE para sa livelihood program at assistance sa mga ito.
Para sa mga gustong mag-avail, maari namang
tumungo at sumangguni sa PESO Office sa Kabacan.
Sa mga naghahanap naman ng trabaho may mga
jobs fair namang, isinasagawa ang nasabing tanggapan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento